Advertisers

Advertisers

Bumbero huli sa buybust sa Isabela

0 267

Advertisers

NADAKIP ang isang kasapi ng BFP Isabela Provincial Office nang maaktuhang nagtutulak ng dahon ng marijuana sa pambansang lansangan sa Ipil, Echague, Isabela.
Kinilala ang nadakip na si FO1 Carl Bryan Ballesteros, 32, may asawa, ng BFP Isabela Provincial Office at residente ng nabanggit na lugar.
Isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng mga kasapi ng Echague Police Station at PDEA Region 2 ang drug buybust operation na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek.
Ayon kay PMaj. Michael Esteban, hepe ng Echague Police Station, nakipag-transaksyon ang suspek sa isang pulis na poseur buyer bitbit ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng isang libong piso.
Bukod dito, nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang isa pang sachet ng shabu, isang rolyo ng alluminum foil, isang metal box na naglalaman ng hinihinalang shabu at tatlong piraso ng lighter.
Kabilang si Ballesteros sa High Value Individual list ng PDEA Region 2 at dati nang nasangkot sa illigal na pagtutulak ng droga.(PTF team)