Advertisers

Advertisers

Mag-ingat sa balik-GCQ; at ‘Blackout’ na ang PECO

0 298

Advertisers

HINDI na dapat nagpupumilit pa itong Panay Electric Company (PECO) na makapag-operate sa Iloilo City. Blackout na sila!

Oo! Walang basehan ang apela ng PECO sa Energy Regulatory Commission (ERC) na maibalik ang kanilang Certificate of Convenience and Necessity (CPCN) para muling makapag-operate bilang Distribution Utility (DU) sa Illoilo dahil wala na itong legal na kapangyarihan para gawin ito.

Ito ang nilinaw ni dating Paranaque Rep. Gus Tambunting bilang reaksyon sa inihaing ‘supplemental motion for reconsideration’ ng PECO sa ERC noong Mayo 22, kungsaan hinihiling nitong mabalik sa kanila ang operational permit para sila muli ang maging power supplier sa Iloilo, sa rason na walang ‘technical competence’ ang kasalukuyang DU na More Electric and Power Corp (More Power).



Sabi pa ni Tambunting, dating Vice Chairman ng House Committee on Legislative Franchises, kahit na maibalik ang operational permit ng PECO ay wala naman itong ‘legislative franchise’.

Maging ang alegasyon ng PECO na nagkaroon ng mas maraming insidente ng brownout sa Iloilo City sa ilalim ng More Power ay hindi rin ito maaring gawing batayan para maibalik sa PECO ang pamamahala sa power supply.

Ito’y dahil ang More Power lang ang may legislative franchise na ginawad ng Kongreso at inaprubahan ng Malacanang bilang natatangging DU na maaring makapag-operate sa Iloilo.

Si Tambunting ay isa sa mga mambabatas na sumuporta na maalisan ng prangkisa ang PECO kasunod narin ng mga natanggap na ebidensya ng komite nito ukol sa kabiguan ng power firm na gampanan ang responsibilidad bilang power utility dahil sa isyu ng safety, bunsod ng pagkasunog ng mga lumang electric pole, mataas na singil sa kuryente at mahinang customer service.

Dumepensa naman si More Power President and CEO Roel Castro sa tactics ng PECO na ipinalalabas na walang alam ang More Power sa pagpapatakbo ng power company.



Paliwanag ni Castro, sa 142 empleyado ng More Power 70 sa mga ito ay pawang technical team mula sa PECO na kanilang in-absorb at ngayon ay regular employees narin ng kumpanya.

Binira rin ni Castro ang tactics na ginagawa ng PECO para siraan ang More Power. Isa na rito ang pagpapalobo ng numero sa naranasang brownout simula Pebrero 16, 2020 hanggang Hulyo 16 na ginawang 412 oras gayong nasa kabuuang 182 oras lamang ang power interruption, para palabasin ang incompetence ng kumpanya na malinaw na panlilinlang sa publiko

Sinabi ni Castro na ang technical readiness ng More Power ay kitang kita sa kanilang operasyon simula nang kanilang pag-takeover noong Pebrero 2020, pangunahin na dito ang rapid response sa customer complaints na nasa average na 1 oras at 30 minuto na lamang kumpara sa tugon ng PECO na inaabot ng ilang araw hanggang linggo para masolusyunan. Mismo!

Balik-GCQ

SIMULA Agosto 19 ay balik General Community Quarantine (GCQ) uli ang Metro Manila at iba pang lalawigan na isinailalim sa semi-lockdown (modified enhanced community quarantine) sa nakalipas na 14 days nang humirit ng “break” ang frontliners na mga duktor at nars bunga narin ng walang puknat na pagdating ng mga pasyente ng covid ‘19 sa mga ospital.

Sa pagbalik-GCQ, dapat maging mas maingat na tayo, mga igan. Dahil mas delikado ang pagdagsa uli ng mga tao sa kalye, mall, palengke at iba pang pampublikong lugar.

Ugaliin na ang pagsuot ng facemask paglabas ng bahay at paglagay ng face shield sa pagsakay sa pampublikong sasakyan.

Tandaan: Tayo lang ang makagugupo sa covid ‘19, hindi ang gobiernong Duterte.

Keep safe, folks! God bless sa ating lahat…