Advertisers

Advertisers

Casimero vs Duke Micah sa September 26

0 256

Advertisers

Mayroong bagong makakalaban si Filipino boxer John Riel Casimero.
Kasunod ito ng tuluyang pagkansela ng nakatakdang laban sana nito kay Naoya Inoue ng Japan ngayong taon.
Ayon kay MP promotions president Sean Gibbons na ipinalit nilang makakalaban nito ay si Duke Micah ng Ghana.
Gaganapin ang pag-depensa ni Casimero ng kaniyang WBO bantamweight belt sa Setyembre 26 sa Uncasville, Connecticut.
Magugunitang noong Abril sana ang paghaharap ni Casimero kay Inoue subalit dahil sa coronavirus pandemic ay kinansela na ito.