Advertisers
NAGSANIB puwersa sina Jayson Tatum at Jaylen Brown upang buhatin ang Boston Celtics sa 109-101, tagumpay laban sa Philadelphia 76ers sa Game 1 ng Eastern Conference kahapon sa Lake Buena Vista, Florida.
Nagtapos si Tatum ng 32 points at 13 rebounds, upang itanghal na pinakabatang player sa kasaysayan ng kanilang prangkisa na narating ang naturang numero sa playoff game habang si Brown nag-ambag ng 29 points para maangkin ng Celtics ang 1-0 lead sa best-of-seven series.
Sa panig ng Philadelphia- nawalan ng saysay ang pinagsikapang 19 points ni Walker,habang si Gordon Hardaway bumakas ng 12 points, four rebounds, at four steals bago umalis sa laro sa fourth quarter dahil sa natamong ankle sprain, ayon sa ulat ng ESPN isailalim siya sa MRI matapos umalis sa arena na nakasaklay.
Joel Embiid nagtapos ng 26 points at 16 rebounds para sa Sixers, pero ang kanyang pagsisikap ay hindi naging sapat para sa team na wala ang kanilang point guard Ben Simmons dahil sa pinsala sa tuhod.Richardson at Alec Burks nag-ambag ng tig-18 puntos para sa Philadelphia.