Advertisers

Advertisers

KUMPETISYON

0 533

Advertisers

PUSPUSAN ang paghahanda ng Kongreso sa Bayanihan To Heal as One Part 2 bilang pagpapatuloy sa naunang batas na natapos ang bisa noong Hulyo. Mas maliit ang itinakdang ayuda sa mga tatamaan ng pandemikong dala ng China-Duterte Virus. Aabot lamang sa P162 bilyones ang budget sa ilalim ng Bayanihan-2. Mayroon P275 bilyones ang budget sa naunang Bayanihan.

Subalit may dalawang kapansin-pansin na probisyon sa mungkahing batas. Tungkol ito sa pagpapataw ng 60-araw na pahinga, o moratorium sa pagbabayad ng mga utang at iba pang responsibiidad sa pananalapi at pag-aalis sa loob ng tatlong taon ng mga requirement ng local government units (LGUs) sa pagtatayo ng tore sa telekomunikasyon.



Mukhang walang problema sa 60-araw na pahinga sa pagbabayad ng utang. Subalit may pumapalag sa pagpapaluwag ng mga requirement ng LGUs. Raket ng maraming opisyales sa LGUs ang pagtatayo ng tore ng mga telco. Mawawalan ng kita kapag tuluyang niluwagan ang pagtatayo ng tore.

Masisilip na layunin ng Kongreso na tulungan ang Dito Telecommunity, ang pangatlong telco, na totoong naiwan sa paglalatag ng imprastraktura. May plano silang magtayo ng 1,500 tore sa buong bansa at pagkakabitan ang mga ito ng mga pasilidad sa teleko-munikasyon. Dahil sa pandemiko, nakagawa lamang sila ng 300.

Aburido si Rodrigo Duterte sa takbo ng pangyayari. Kailangan apurahin ang pagtatayo ng mga tore. Subalit imbes na sapilitang kunin ang pasilidad ng dalawang telco – PLDT Group at Globe Telecom – mas minarapat ng ilang lider sa Kongreso na gumawa ng positibo.

Labag sa batas ang plano ni Duterte na kanyang inilabas sa kanyang SONA. Hindi maaaring basta kunin ang pasilidad ng dalawang telco upang ibigay sa Dito Tel. Mas maigi alisin ang mga balakid sa pagtatayo ng tore. Buksan ng ganap ang industriya at hayaan ang mga telco na malayang maglaban-laban sa ngalan ng kompetisyon.

Dahil sa Bayanihan 2, iniligtas ng Kongreso ang sarili upang magamit ni Duterte sa panggigipit sa dalawang telco. Mukhang magiging masaya ang lahat ng telco player sa naisip na solusyon. Kahit ang Dito Tel papayag sa mungkahing probisyon. Hindi maganda sa pagnenegosyo ang manggipit upang kumita. Mayroon tinatawag na fair play kung saan lahat ng player ay malayang nagkukumpetisyon.



***

AMING tinalakay ang mga ilang kaganapan tungkol sa biglang pagkawala umano ni Duterte at ang balita na pumunta siya sa Singapore upang sumailalim sa ilang maselan na medical procedure. Ibinabahagi namin ang aming lathalain.

WALA SA HULOG (IKALAWANG BAHAGI)

Kinilala naman nila na humaharap sila sa isang matinding krisis sa pakikipagtalastasan. Pilit silang nagpapaliwanag, ngunit sa gitna na lahat ng kanilang pagpipilit at pagpupunyagi na makapagpaliwanag, sumasabit sila. Imbes na magbigay liwanag, mas lalong nababalot ng hiwaga ang totoong kalagayan ni Rodrigo Duterte. Sa maikli, sa kanilang pagpupumiglas na makalusot, mas lalo dilang nababaon sa kumunoy ng kasinungalingan. Hindi tuloy sila pinaniniwalaan ng sambayanan. Narito ang paliwanag upang magkalinawan …

1. Kagabi, nagpalabas ng ilang larawan si Bong Go. Totoong ipinakita na buhay si Duterte. Pero maigi na rin ang malinaw. Pinasinungalingan ng mga larawan na pinakawalan ni Bong Go na hindi totoo ang sinabi ni Harry Roque na “in perpetual isolation” ang kanilang amo. Kung susuriin, wala sa aklat ng medisina at batas ang perpetual isolation. Isa lang ang ibig sabihin niyan – patay na si Duterte. Sinungaling si Harry Roque, iyan ang kalatas ng mga larawan. Buhay na buhay ang amo nila.

2. Subalit may mga nakapansin na kakaiba sa mga larawan. Sinasabi nila Duterte, Bong Go, at Harry Roque na hind siya umalis ng Davao City at nananatili sa kanilang tahanan, ngunit kapansin pansin na may nakalagay ng munting kalatas sa dingding ng silid na kinalalagyan niya – SR -1. Mukhang nasa ibang lugar si Duterte at Bong Go. Mukhang nasa isang silid sila ng pagamutan. Hindi tahanan ni Duterte ang makikita. Walang naglalagay ng room number sa sariling tahanan kahit mansion pa mandin.

3. Sa video clip na pinakawalan ni Bong Go sa social media, makikitang mahinang mahina si Duterte. Halos hindi makapagsalita. Halong hindi maibukas o maidilat ang kanyang mata. Larawan siya ng kawalan ng lakas upang mabuhay. Hindi maitatatwa na may karamdaman si Duterte. Mukhang sumailalim siya ng isang hindi maipaliwanag na medical procedure.

4. Patuloy ang pagdagsa ng mga kalatas mula Singapore na nagpapatunay na nandoon nga si Duterte. Kumbinsido ang maraming Filipino na nakabase doon na itinakbo si Duterte sa isang malaking pagamutan sa Singapore na may reputasyon sa kasanayan sa isyu ng China Duterte virus.

5. Hindi rin nakatulong ang larawan na kasama ni Duterte si Honeylet at ang anak. Mali ang hawak ni Honeylet sa peryodikong Manila Bulletin. Masyadong bata ang anak nila. May sapantaha tuloy na photoshopped ang larawan.

6. Mas lalong hindi nakatulong ang pagharap ni Duterte sa telebisyon. Malaki ang pagdududa ng prerecorded ang kanyang binitiwang statement at diskurso. Napansin ng netizen ang kanyang suot na relo. Iba ang oras sa oras na naganap iyon. Mukhang ginawa ang video noong Linggo ng umaga – mga 8:30 o 9:30 Manila time. Mga 11:20 pm na siya humarap sa telebisyon.

7. May nakapansin na movable divider ang nasa likod ni Duterte sa kanyang diskurso sa telebisyon. Hindi gumagamit ng ganyang furniture ang sinumang president ng bansa. Walang respeto sa Office of the President.

8. Siempre, kataka taka na wala sa Davao City si Bong Go ngayong araw. Hinanap siya ng local media pero no show. Sa Senado, hinanap rin siya. Nakatakdang buksan niya ang pagpapatuloy ng pagdinig sa anomalya sa PhilHealth. Hindi niya nabuksan dahil wala siya.

9. Pawang nawawala ang maraming opisyales na malapit sa kanya. Kahit si Harry Roque ay nawala. Papalubog na ba ang barko. Hindi natin alam.

10. Iyong statement ni Harry Roque na perpetual isolation, may katotohanan ba ito. Nakikita ba ni Harry na mamamatay na ang amo niya? Eskirol ba siya kaya siya ang nagpapahiwatig?

WALA SILA SA HULOG …

Hayaan ninyong magkalinawan …

1. Kahapon ng hapon, mga 4 pm, kumalat ang larawan ng isang Lear Jet, isang medical jet na naglanding umano sa Davao City. Galing daw ito sa Singapore. May isang tao na maysakit ang dinala umano ng Lear Jet pabalik sa Singapore. Kumalat ang larawan. Naging viral. Santambak ang nagbahagi (share). Pagsapit ng gabi, matunog ang balita na si Rodrigo Duterte umano ang dinala ng Lear Jet sa Singapore.

2. Dahil sa pagkalat ng balita, marami ang sumubaybay. Kasama na ang mga Filipino na nakabase sa Singapore. Sapagkat Linggo, marami ang day-off. May oras sila upang tingnan kung totoo o hindi ang nag-viral na larawan. Umpisa na ang krisis.

3. May mga kumalat na kalatas ng mga Filipino, nakabase o hindi sa Singapore, na nagpapatunay na si Duterte nga ang dinala doon. May mga kalatas na ipinasok siya sa Queen Elizabeth’s Hospital. Hindi na mapigil ang daloy ng balita. May nagsasabing malubha na. May nagsasabing naka intubated na. May tubig na sa baga, at ano-ano pa. Sa puntong iyan, malinaw na lumalaki ang isyu at nagiging krisis na.

4. Mas lalong umigting ang mga balita-balita nang umamin kahapon si Ed Año na positibo siya sa Covid-19. Sa salaysay ni Ed Año, nakaramdam siya ng sintomas ng Covid noong ika-13 ng Agosto, Huwebes. Nagkaroon siya ng swab test noong Biyernes. At kahapon, nalaman niya ang resulta na positibo siya. Samantala, may mga larawan na kasama ni Duterte si Año sa pulong ng IATF sa Davao City noong ika-10 ng Agosto. Doon umigting ang hinala na maaaring nahawa si Duterte kay Año, o baligtad – si Año ang nahawa kay Duterte. Ang ibig sabihin ay nagkaroon ng viral infiltration sa kanilang hanay. Nagkahawaan sila. Sila-sila.

5. Maalaala rin na nagkaroon ng lockdown sa PCOO sapagkat mayroon 33 tauhan ang nagpositibo. Ibinalita ito kamakailan lamang. Marami sa kanila ang labas masok sa Malakanyang dahil sila ang sumusubaybay sa coverage kay Duterte. Sa maikli, mayroon talagang viral infiltration sa Malakanyang. Sa maikli, matindi ang virus sa Palasyo.

6. Makakalusot na sana pero totoong mahina ang ulo ni Harry Roque. Ginamit niya ang salitang “perpetual isolation” kay Duterte. Ginawa umano ito ng mga tauhan ng PSG sa kanya. Wala raw nakakalapit kay Duterte. Hindi naman niya sinabi kung ano ang “perpetual isolation.” Hindi rin niya sinabi kung kailan inumpisahan ang ganitong kostumbre. Bungi bungi ang salaysay ni Harry Roque. Lumalabas na limitado talaga ang kanyang pag-iisip. Kaya pala hindi siya nagklik bilang manananggol sa usapin ng karapatang pantao. Wala siyang naipanalong kaso.