Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 237 gumaling; 18 nasawi; 3,314 bagong kaso

0 488

Advertisers

UMAKYAT na sa kabuuang bilang na 164,474 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, base sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) ganap na alas-4 ng hapon nitong Lunes, Aug. 17.
Ito ay matapos na makapagdagdag ng kabuuang bilang na 3,314 na bagong kumpirmadong kaso na inulat mula sa 91 out of 105 current operational labs.
Umabot naman sa 49,034 ang aktibong kaso o mga hindi pa gumagaling.
Sa 3,314 reported cases, 2,854 dito ang naitala 14 araw mula August 4 hanggang 17.
Ang top regions na may bagong naitalang kaso ay ang NCR na may 1,656; Region 4A, 672 at Region 3, 131.
Nakapagtala naman ng 237 panibagong recoveries kung saan umabot na sa kabuuang 112,759.
Nakapagtala naman ng karagdagang 18 na mga nasawi para sa kabuuang 2,681.
Apat rito ang pumanaw ngayong Agosto, 12 noong July, 2 noong June.
Mula naman sa Region 4A ang 5 pumanaw, Region 7, 4; NCR, 4; Region 3, 3; Region110, 1 at BARMM na may isang pumanaw.
Nasa 93 naman ang duplicates ang inalis sa total case counts kung saan 64 ang recovered cases habang 2 ang deaths na pumanaw. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)