Advertisers

Advertisers

Mga Panonoorin sa Panganorin

0 599

Advertisers

Ni Nick Nañgit

Kaabang-abang ang mga magaganap sa himpapawid ngayong Hunyo na makaaapekto sa ating mga buhay at pagkilos.

Una, may Solar Eclipse bago mag alas-onse ng umaga ngayong Hunyo 10 na makikita ng buo sa Rusya, Greenland, at Canada; at bahagya lamang sa Amerika, Europa, at Hilagang Asya.



Ibig sabihin, matatakpan ang Araw sa umaga ng ating Buwan habang umiikot ito sa ating planeta. Ang buong pagtatakip na ito ay tinatawag na Annular na tila may maaaninag pang korona na umiikot sa Buwan kapag halos matatakpan na nito ang Araw.

Kung hawak ng Buwan ang ating mga damdamin at buhay espiritwal, saklaw naman ng Araw ang ating panlabas na anyo at kapaligiran.

Pagsapit ng nasabing eclipse, ang Araw at ang Buwan ay parehong nasa konstelasyong Gemini. Ibig sabihin, matindi ang magiging epekto sa parehong transportasyon at komunikasyon, kahit pa may ulap na magkukubli sa kanilang liwanag.

Medyo matatauhan tayo sa hangganan ng ating mga pangarap at pagluluwal ng pera. Mas nanaisin pa nating makipag-ayos na lamang kaysa makipag-away, para maiwasan ang hindi magandang sasabihin ng iba tungkol sa atin.

Maaaring may maganap ding paglindol o pagsabog ng bulkan sa ibang bahagi ng Asya o sa karagatan ng Pasipiko.



Payo natin, mag ayuno ilang oras bago magsimula ang eclipse, maliban sa mga bata, matatanda, at may sakit.

Magbigay ng donasyon o tulong pinansyal kahit kanino na sa tingin ninyo ay nangangailangan nito at kahit gaanong kaliit. Maligo bago at pagkatapos ng eclipse. Magnilay-nilay at magbigkas ng mga mantra. Huwag ilalabas ang nga crystals at gamit mahika. Huwag din sumailalim sa operasyon, maliban kung bunga ng sakuna o kaya’y isang emergency. Tiyaking ligtas ang inyong paghinga, kaya’t huwag kalilimutang magsuot ng face mask at face shield, at ingatan ang mga kamay, braso, at balikat, lalo na sa mga gumagamit ng motorsiklo.

Pangalawa, tandaan din na may nagaganap pang tatlong Retrograde ngayon.

Ang Mercury Rx ay aabot hanggang Hunyo 23 mula sa konstelasyong Gemini at magtatapos sa Taurus. Gaya nang lagi nating sinasabi, iwasan ang malalayong byahe at ingatan ang mga gamit teknikal. Huwag magpalit ng mga password o PIN at huwag din pumirma ng mga kontrata o bumili ng mamahaling bagay.

Ang Pluto Rx naman ay hanggang Oktubre 6 na magmumula at mananatili sa konstelasyong Capricorn. Dala nito ang pagbabago ng kalooban, ang reyalisasyon, at ang iba pang rebelasyon, lalo na sa mga pamamalakad ng organisasyon, sa limitasyon ng ating mga kakayanan, at sa sarili nating trabaho o pinagkakaabalahan.

Ang Saturn Rx ay magtatagal hanggang Oktubre 11 na magmumula at mananatili rin sa Capricorn. Dulot nito ang karma, ang pananagutan sa aspeto ng pangasiwaan, at ang pagliit o pag-antala ng karir at mga plano.

Kapansin-pansin kamakailan lamang na ang aktor ng nagwakas na prangkisang katol na si Tony Labrusca ay sinampahan ng reklamo sa Tanggapan ng Prosecutor, hinggil sa krimeng acts of lasciviousness at slight physical injuries. Diumano’y nakainom daw siya.

Hihintayin na lang natin ang maging pasya kung isasampa ang kaso sa korte. Kung sakaling itutuloy ito, tatalab ang epekto ng Saturn Rx at Pluto Rx. Pananagutan niya ang kanyang nagawa at magdadala ito ng pagbabago sa kanyang katauhan. Kung hindi naman ito itutuloy, masasabing dahil lamang sa Mercury Rx ang biglaang paghain ng reklamo na bunga lang naman pala ng hindi pagkakaunawaan.

Nariyan din ang hiwalayang Rabiya at ang non-showbiz bf niya, ang pagbubulgar sa ginawa ng Team MU Canada kay Michael Cinco, at maging ang pagbulgar ni Ogie Alcasid sa tunay na anyo ni Regine Velasquez.

Bukod sa mga ito, may eskandalo pang lalabas sa susunod na kalahating taon tungkol sa relasyong ikinubli at tungkol din sa pagbabago ng lilipatang organisasyon o proyekto. Magkakaanak na rin ang isang sikat na magjowa, bagama’t magpapatuloy pa ang pagpanaw sa mundo ng aliwan ngayong Taon ng Metal na Baka.

Para sa iba pang kaalaman, mag Subscribe at Watch lang sa Nickstradamus channel ng YouTube.

At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards o mga made-to-order crystals, maaaring makipag-ugnayan sa sulatronikong nickstradamus2018@gmail.com.

Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!