Advertisers

Advertisers

‘Frontal nudity sa Lockdown, hindi bastos panoorin’ — Paolo Gumabao

0 1,860

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

INAABANGAN na ng marami ang pelikulang Lockdown na pinagbibidahan ng hunk actor na si Paolo Gumabao.

Marami ang nagsasabi na swak ang Lockdown sa mga international filmfest at may kakaibang appeal ito sa international market.



Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang pagiging daring dito ni Paolo. Ipinahayag ng aktor na hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang pelikula, kahit alam niyang mapangahas ang role niya rito at kailangan ang frontal nudity para maging realistic ito.

Aniya, “Noong audition pa lang po kasi ay sinabi na sa akin ni Direk Joel (Lamangan) na may frontal nudity. Sabi ko naman, ‘Sige po.’ pero binasa ko muna ang script and nang nabasa ko, na-amaze ako sa kuwento.

“Iyong frontal nudity ay hindi siya bastos tignan, kasi ay art film talaga siya and may tiwala kasi po ako talaga kay Direk Joel Lamangan.”

Dagdag pa niya, “Kailagan talaga sa movie iyong frontal nudity to show the reality of this pandemic, na maraming tao talaga ang kumakapit sa patalim sa pandemyang ito. At iyon ang kailangan naming ipakita sa viewers ng movie.”

Nabanggit din ni Paolo na marami siyang love scenes sa pelikulang ito, sa kapwa niya lalaki.



“Marami po, napakarami… kasi may ibang cast din sa Lockdown, yung ibang boys like si Sean de Guzman, yung bida sa Anak ng Macho Dancer. May mga eksena po kasi kami roon na magkakasama kaming lahat, hindi ba ang kuwento po kasi ay parang mga videocall boys kami… and may mga request ang mga foreigner na, gusto nila ay maghahalikan kaming lahat. So, ganoon po,” sambit niya.

May intimate scene ba sila rito ni Max Eigenmann?

Tugon ni Paolo, “Mayroon din po, kami ni Max may mga eksena kami rito na medyo daring and I’m sure na matutuwa rin ang mga manonood nito sa mga eksenang iyon.

“Si Max po, sobrang sarap niyang makatrabaho, sobrang professional siya. We all know naman na she’s an award-winning actress, so siyempre iyong mga eksenang ginawa namin… masarap siyang kaeksena.”

Ang Lockdown ay mula FLA Films at ito’y ukol sa cyber-sex or videokol. Bukod kina Paolo, Max at Sean, tampok din dito sina Allan Paule, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Jim Pebanco, Angelie Sanoy, at iba pa.

Ayon sa producer nitong si Jojo Barron, next month na ang digital streaming ng Lockdown via KTX, iWantTFC, Upstream, at RAD.