Advertisers
PARA kay Gerald Anderson, malaking dagok ang krisis na dala ng Covid-19.
Ito ang panahong napilitang magsara ang kanyang negosyo bilang pagtalima sa alintuntunin ng IATF.
Sa panahon ng lockdown, sarado kasi ang kanyang fitness gym na called “The Th3rd Floor” na matatagpuan sa Diliman, Quezon City.
Dagdag pa rito, tumaon din ito na nagsara ang kanyang mother network o ang ABS-CBN dahil hindi na-renew ang prangkisa nito.
Kaya nga, ayon sa binata, malaking pagsubok ang kinakaharap niya ngayon.
“It’s a different situation. This is life and death. This is being sick. Your livelihood is being taken away from ABS-CBN shutdown. My fitness business is at stake because of the lockdown,” aniya.
“It taught me how to be more resilient. And this situation taught me how fast things can be taken away from you,” pahabol niya.
Gayunpaman, blessing in disguise na maituturing niya dahil na-consider siya na makasama sa “Love Unlock,” isang twinbill virtual drama na palabas sa Kapamilya Online Live.
Ito rin ang balik-tambalan nila ni Arci Munoz na huling nakasama niya sa pelikulang “Can We Still Be Friends?”
***
Pilipinas wagi sa Locarno Film Festival
MAY rason na naman para magbunyi ang Film Development Council of the Philippines sa pamumuno ni Liza Dino-Seguerra.
Sa kabila ng pandemya, patuloy pa ring gumagawa ng pangalan sa international film festivals ang ating mga Pinoy filmmaker.
Ang “Zsazsa Zaturnah vs. the Amazonistas of Planet X” ay wagi ng Open Doors Development Grant sa Locarno International Film Festival.
Ang naturang animated feature ay pinagkalooban ng 14,000 swiss francs.
Ang director nitong si Avid Liongoren ay siya ring director ng critically-acclaimed MMFF entry na “Saving Sally” noon.
Sa Films After Tomorrow section naman ng nasabing filmfest ay kalahok ang bagong obra ni Lav Diaz na “Kapag Wala Nang Mga Alon (When The Waves Are Gone).
Featured films din sa Locarno Open Doors ngayong taon ang “Masahista” ni Brillante Mendoza, “Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay” ni Antoinette Jadaone, “Aparisyon” ni Isabel Sandoval at “Engkwentro” ni Pepe Diokno. (Archie Liao)