Advertisers

Advertisers

Pia inalala ang kabataan, walang baon sa iskul at binabaha ang bahay

0 292

Advertisers

INAMIN ni Ria Atayde na dream come true para sa kanya ang pinapangarap nito na maging TV host ng isang morning show sa TV 5.

Mapapasabak nga raw ito sa talakan at balitaktakan sa dalawa pang host na makakasama niya.

Pinaghandaan ni Ria ang matagal na niyang pangarap, ang maging isang host sa telebisyon. Maninibago  for sure si Ria sa bago nitong career na hosting job.



Nagpasalamat naman si Ria sa kabila na  nanalasa ang killer virus na Covid sa ating bansa ay nagkaroon ito ng trabaho.

Timing naman dahil sarado sa ngayon ang kanilang network, sa kabila na okey gumawa ito ng project sa ibang bakuran, never naman nito isasabay na mabigyan siya ng project kagaya ng Chika BESH kasama sina Pokwang at Pauleen Luna sa pagbabalik ng kanilang Kapamilya network.

Nagpasalamat din si Ria sa APT na sila mismo ang nagpaalam sa dalaga  sa kanyang home studio.

Handa na nga si Ria na labanan sina Pokwang at Pauleen sa kanilang morning tsikahan show.

Abangan nga raw si Ria sa bago nitong karera.



***

HINDI naman ikinahiya ni Miss Universe 2015  Pia Wurtzbach na noong kabataan niya eh nakaranas din ito ng kahirapan sa buhay.

Nagsikap at nagtiyaga at di sumuko sa hamon ng buhay bagkus laban lang nang laban.

Ibinahagi ni Pia sa isang panayam online sa KKK at nagsabi ito na never niyang malilimutan ang kahirapang dinanas nila noong kabataan niya.

Sa kabila na sa maliit na school lang siya nag-aaral eh isa nga  raw ito sa process at pag grow.

Dahil nga lang sa sipag, tiyaga at determinasyong nakamit ni Pia ang natagumpay.

Dumating pa nga sa punto na naghiwalay ang mga magulang ni Pia na lalo siya nagsumikap at naging independent  at siya na mismo ang tumutustos sa kanyang pag -aaral.

Kung hirap nga lang daw eh for sure na marami ang makaka-relate sa rebelasyon nito.

Kahit siya mismo ay naranasang walang baon sa pagpasok sa eskwela at never din nito ma-forget na ang bahay nilang tinitirhan  ay binabaha.

Kuwento pa nito na sa dami na ng bahay na nalipatan na mura ay pataas naman nang pataas ang baha na minsan nga raw ay umabot na hanggang dibdib. (Jovi Lloza)