Advertisers
NADAGDAGAN ng dalawa ang namatay sa Caloocan City dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19, ayon kay Mayor Oscar Malapitan.
Sa post ng alkalde sa social media, 149 na ang nasawi hanggang 7 ng gabi ng Agosto 16 sa lungsod, mula sa huling ulat na 147.
Bukod dito, 3,705 na ang nagpositibo sa COVID sa lungsod at 1,832 na sa mga ito ang nakarekober.
Ang active cases ay 1,724. (Beth Samson)