Advertisers
HIGIT sa P.4 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska mula sa dalawang drug personalities sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Makati City Police sa nabanggit na lungsod kamakalawa.
Kinilala ni NCRPO chief Police Major General Debold Sinas ang mga nadakip na sina Kristian Laenard Reyes, 24, chef, nakatira sa Blk. 276, Lot 8, Lotus St.; at Christian Junsay, 20, ng Blk. 283, Lot 2, kapwa ng Brgy. Rizal, Makati City.
Ayon kay Sinas, 4:15 ng hapon nang madakip ng kanyang mga tauhan at mga kagawad ng Makati City Police ang mga suspek sa panulukan ng Maya at Commando Streets, Brgy. Rizal.
Nakumpiska sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000. at 1 kilong marijuana na nagkakahalaga ng P120,000.
Sa kabuuan nasa P460,000 halaga ng droga ang nasamsam ng mga pulis sa mga suspek. (Gaynor Bonilla)