Advertisers
PATAY sa pananambang ang kumandidatong mayor ng Meycauayan City noong 2019 nang pagbabarilin ng ‘riding in tandem’ sa Barangay Banga, Bulacan.
Kinilala ni P/Lt.Col. Bernardo Pagaduan ang biktima na si Ryan Afable Cayanan, 45, may asawa, negosyante residente sa nabanggit na lugar.
Sa ulat, 12:30 ng tanghali nitong Lunes nang pagbabarilin ng riding in tandem na armado ng cal. 40 na baril ang biktima. Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin.
Ayon sa report, bago binaril si Cayanan ay nakapag-post pa ito sa kanyang facebook account na ang sinasabi ay: “Lahat ng galaw ko may CCTV footage kayo. Mga kababayan, kapag may nangyari po sa aking masama, alam n’yo na po sino may gawa… ang nais ko lamang po patas na pagbabago para sa Meycaueño, magiging masaya po akong mamatay para sa inyo”.
Ayon naman sa ilang netizens, nagawa pang makapagtago ni Cayanan sa loob ng banyo ng Brgy. Banga habang sugatan at nadala pa ito sa Meycauayan Doctors kung saan hindi na nagawa pang lapatan ng kaukulang lunas ng mga doktor at nalagutan na ito ng hininga.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen. (Thony D. Arcenal)