Advertisers
NALOKO na! Habang nagsasalita ang mga tagapagtanggol ng Panay Electric Company (PECO) ay lalong nadidiin sa kapahamakan ang kumpanya.
Tulad dito sa kinukuwestiyong pagbili ng PECO ng luxury car na BMW mula sa kanilang Capital Expenditure (CAPEX) na kalaunan ay ibinenta sa kanilang presidente nang mawalan ng prangkisa ang kumpanya.
Nadiskubre ang pagbili ng PECO ng BMW 520d sedan noong 2015 mula sa Asian Carmaker Corporation worth P5 million. Ang sasakyang ito ay binili gamit ang pondo na inaprubahan ng ERC para sa pagbili ng transportation equipments sa ilalim ng CAPEX ng PECO para sa year 2011 to 2015. That means mula ito sa consumers money.
Hindi itinanggi ng PECO ang pagbili ng BMW. Pinagdiinan pa ng mga abogado ng PECO na sina Atty Nilo Divina at Atty Estrella Elamparo ng Divina Law Firm na hindi consumers money ang pinambili sa BMW kundi binili ito sa ilalim administrative expenses ng kumpanya.
Ngunit ayon sa mga nagsiwalat ng anomalya sa pagbili ng luxury car na si Halley Alcarde, general manager ng Western Visayas Transport Cooperative at isang accountant, ang lahat ng administrative expenses ay sinisingil din sa consumers. Ang alibi, aniya, ng PECO ay mali. Dahil ang pagbili ng luxury car ay hindi maaaring ipasok bilang administrative expense.
Kung ipipilit ng kampo ng PECO na isang adinistrative expenses ang pinambili ng luxury car, ang external auditor ng kumpanya ang mabubuweltahan ng kaso at maaring mabawian ng lisensya kung pinayagan nitong ipasok bilang administrative expenses ang pagbili ng BMW.
Ang WVTC at ang Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association (ICLAJODA) ang unang nagsiwalat na sa kanilang pagberipika sa Land Transportation Office(LTO) lumilitaw na ang kinukuwestiyong BMW ay naibenta May 22, 2019 kay PECO President Luis Miguel Cacho.
Nabunyag na para sa taon 2011 ay P2,133,851 ang alokasyon para sa transportation equipment ng PECO ; 2012 ay P2,231,446; 2013 ay P2,337,988; 2014 ay P2,447,289; at 2015 ay P2,560,476.
Ang mga pondong ito aya para pambili ng utility vehicles na magagamit sa operasyon nito. Subalit lumitaw na sa halip na mga sasakyan na magagamit para sa official functions ng kumpanya ay kalahati ng pondo ay ipinambili ng luxuy car.
Ang capital expenditure ng power firms ay isinusumite at pinaaprubahan sa ERC. Ito’y upang matiyak na ang mga economically efficient capital expenditure lamang ang mapopondohan para masiguro na mapoprotektahan ang public interest ng kumpanya.
Giit ng WVTC… malinaw na ang pagbili ng BMW ng PECO lalo sa personal na gamit ay hindi maikokonsidera bilang economically efficient bagkus ito’y pang-aabuso sa consumers’ money. Mismo!
***
KUNG ano-anong ideya na ang ginawa at ginagawa ng ating gobierno para malusaw ang made in China na coronavirus 2019 (COVID 19). Sumusunod rin naman ang mga tao. Siempre!
Una, isinailalim sa 2 months total lockdown (ECQ) ang buong Pinas para raw hindi na kumalat ang virus at mapuksa na ito dahil 14 days lang daw ang itinatagal nito.
Nang hindi parin nalusaw ang covid at wala nang maibigay na ayuda ang gobierno, ibinaba ang quarantine sa MECQ, tapos GCQ at ibinalik uli sa MECQ, tapos ibabalik daw uli ngayon sa GCQ dahil baka tuluyang bumagsak ang ekonomiya ng bansa.
Ipinatutupad din ang paggamit ng face mask, face shield, barrier sa motorcycle (kahit sa mag-asawa) at paglagay ng mga division na plastic sa mga sasakyan, maliban pa sa social distancing na isang metro. Pero wala parin… sumisirit parin ang pagtaas ng covid cases. Then isang araw, biglang maglalabas ng data ang DoH na may higit 40,000 gumaling. Magic! Hahaha…
Tapos ang mga opisyal na nagpapatupad ng mga protokol sila ang nahahawaan. Tuloy, ayaw nang maniwala ni Att. Gadon. “Mga bobo”, sabi niya. Hehehe