Advertisers

Advertisers

PROBLEMANG IFS SA CANLUBANG SUGAR ESTATE MAGTATAGAL PA!

0 344

Advertisers

Sa maniobrasyon ng mga maiimpluwensiyang personalidad ay mahabang panahon pa ang dadanasing pagpoproblema hindi lamang ng mga INFORMAL SETTLER kundi maging ng mga awtoridad sa LAGUNA PROVINCE para sa pagsawata ng kaguluhan sa dating malawak na taniman ng mga tubo sa kilalang CANLUBANG SUGAR ESTATE.

Ang naturang ekta-ektaryang taniman ng tubo ay nagawang manipulahin at mapasok ng mga INFORMAL SETLLER at siyempre pa e dahil sa mga MAIIMPLUWENSIYANG PERSONALIDAD na nagpapakilalang sila ang nagmamay-ari ng halos buong mayorya ng islang LUZON.

Taong 2000 nang mapasok ng iba’t ibang grupo sa pangunguna ng RODRIGUEZ ESTATE na umaangkin sa halos kabuuan ng mga LALAWIGAN NG RIZAL at BICOL.., kung saan ang kalaban ng naturang grupo sa mga nagpapakilalang nagmamay-ari ng malalawak na lupain sa iba’t bang lalawigan ay ang pamilya ng ORTIGAS, AYALA at ang pinakahuli ay ang pamilyang YULO.



Sa pag-aagawan at pagpapakilala sa kung sino ang legal na nagmamay-ari sa nasabing lugar ay nakapaglagay na rin ng CHECKPOINTS at OUTPOSTS lalo na sa lugar ng MATANG TUBIG at BANIAS.., pero, sa mga magkakalabang grupo ay sino kaya sa mga ito ang masasabing SINDIKATO o LAND GRABBERS na dapat makilala ng mga INFORMAL SETTLER?

Maraming mga kuwentong napagtagpi-tagpi hinggil sa kalagayan ng nasabing lugar at lubhang malilito ka sa kung ano ang mga dapat paniwalaan sa sitwasyon ng sinasabing CANLUBANG SUGAR ESTATE.

May mga nagsasabi na dapat marinig at malaman ng mga INFORMAL SETTLER ang mga kasaysayan o kuwento sa lugar na kanilang mga inukupahan para makapagpasiya ang mga ito kung legal nga ba ang kanilang naging paninirahan kapalit ng membership fees para sa sinasabing pekeng CERTIFICATE OF OCCUPANCY na nilagdaan umano ng isang DIOGENES RODRIGUEZ?

Base sa impormasyon, ang pagkakabuo ng CALAMBA SUGAR ESTATE ay nagpasimula nang dumating sa PILIPINAS ang mga NEGOSYANTE mula sa CALIFORNIA noong taong 1912.., na pinamahalaan iro ni LOUIS WEINZHEILMER at ng kaniyang pamilya sa ilalim ng mga INVESTOR sa pangunguna ni ALFRED EHRMAN.

Pinasimulan ang SUGAR MILL OPERATIONS noong December 1, 1914 at ang nasabing kompanya ay naging modelo sa larangan ng SUGAR PLANTATION mula 1920 hanggang 1930.



Sa naging pananakop naman ng JAPANESE FORCES sa ating bansa ay ibinenta ng mga AMERIKANO ang REAL ESTATE kay VICENTE MADRIGAL.., subalit nang hindi mapangasiwaan ng maayos ay ibinenta naman sa nagngangalang DON JOSE YULO noong taong 1948.

Si YULO ay kilalang LAWYER at siya rin ang LEGAL COUNSEL ng ESTADO mula 1927, na nagsilbi rin ito bilang CHIEF JUSTICE ng SUPREME COURT at naging SPEAKER din ng HOUSE OF REPRESENTATIVES bago sumiklab ang WORLD WAR II.

Ang pamilya ng MADRIGAL at YULO ay magkakaibigan.., na ang YULO na ang nagpangalan sa lugar na CANLUBANG SUGAR ESTATE. Napaganda at napaasenso ang FINANCIAL at SOCIAL STATUS ng lugar. Naging kasangkapan din ang asawa ni YULO na si DOÑA CECILIA ARANETA YULO sa pagpapatayo ng paaralan, simbahan, civic at recreational centers gayundin ng kauna-unahang outdoor drive-in cinema. Nagpagawa rin ng baseball field, swimming pools, tennis courts, bowling lanes at golf course.

Bukod sa mga recreational center ay nagpatayo rin ang pamilya YULO ng PULP FACILITY na tinawag na CANLUBANG PULP MANUFACTURING CORPORATION. Sila ang bumibili ng mahigit 80% ng ABACA PRODUCTS sa buong bansa at nagpatayo rin sila ng temporary house-in para sa kanilang mga empleyado upang hindi mahirapan sa pagbibiyahe ang mga ito…, kasunod nito ay itinayo ang SILANGAN VILLAGE PROJECT para sa mga nagsipagretiro nilang mga manggagawa at ang MAJADA HOUSING PROJECT ay ipinagawa bilang gantimpala sa mga long-time employee. Ang proyektong ito ay isang SOCIALIZED HOUSING FACILITY.

Bukod sa mga benepisyong ipinagkaloob sa mga manggagawa ay itinuloy ng mga YULO ang pagtulong sa mga dati nilang trabahador sa mga panahon ng kalamidad tulad ng bagyong Ondoy at ang pagsabog ng Taal volcano, na ang pinakahuli ay ang dinadanas ngayong pandemya na dulot ng COVID-19 ay patuloy ang pamimigay ng RELIEF GOODS na dinaig pa ang ibinibigay ng LOCAL GOVERNMENT UNITS.

Noong 1970 bago ang MARTIAL LAW ay nabawasan ang taniman ng tubo dahil marami sa mga planter ay ibinenta ang kanilang lupain sa mga REAL ESTATE DEVELOPER. Napag-isip-isip ng mga YULO na kailangan ang isang COMPREHENSIVE MASTER PLAN at dito’y hiningi nila ang tulong ng NATIONAL ARTIST FOR ARCHITECTURE na si LEANDRO V. LOCSIN na kasal naman kay CECILIA YULO-LOCSIN at noo’y nabuo ang CANLUBANG URBAN PROJECT.

Idinesenyo ni LOCSIN ang SUSTAINABLE SATELLITE CITY upang himukin na mamuhunan ang mga NEGOSYANTE sa LAGUNA. Nakinabang dito ang kilalang PROJECT CALABARZON (CAVITE, LAGUNA, BATANGAS, RIZAL at QUEZON). Habang nag-iisip ng iba pang proyekto, medyo napabayaan ang pagmantine sa mga barrio roads at nabawasan ang seguridad sa upland areas. Ang sitwasyong ito ay sinamantala naman umano ng mga LAND GRABBING SYNDICATE na gumawa ng maraming kuwento upang makahikayat ng INFORMAL SETTLERS sa lugar.

Pinalakas ng sindikato ang grupo na pati LGU at mga local na pulitiko ay kanila ng nahikayat na pumanig sa kanila. Maging ang mga local politicians ay napaniwala ng sindikato na tama ang kanilang ipinaglalaban.., kaya naman ang mga INFORMAL SETTLER sa naturang lugar ay mahabang taon pa ang kanilang kakaharapin sa kung sino ang lehitimong nanghahawak ng titulo sa lugar dahil hindi pa nagpapatalo ang mga naglitawang nagsisipag-angkin sa lugar!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.