Advertisers

Advertisers

Mga pasaway sa Anabu-1D

0 376

Advertisers

Report ko po dito sa ANABU-1D hindi matigil ang mga tambay na kabataan. Pati inuman, may mga okasyon pa na alam naman nila binabawal muna ang tumpukan. Hindi po yan matigil-tigil kaya kahit mga barangay tanod napapagod narin kakasabi. Kahit po mga bata nasa labas din. Kapag nakita na may rumorondang pulis takbo ng mabilis papasok ng bahay. Yan po ang ginagawa dito ng mga tao. May mga tao rin po dito na hindi sumusuot ng face mask at face shield. Kap Sherwin ang titigas ng ulo ng mga taga Doyet. Saka Kap pakisabi naman po dyan sa tanod mo na nakatira sa bakery kung magpapatae sya ng aso sa tapat ng bahay nya, wag sa ibang bakuran. Pano po sila rerespetuhin kung sila po ang nagtuturo ng kababuyan. – Concerned citizen

Walang disiplina mga residete sa Bgy. Tumana, Marikina
ATTENTION: SA BARANGAY TUMANA, LUNGSOD NG MARIKINA, ANG PROTOCOL NG MECQ SA COVID 19 AY TILA WALANG TAKOT ANG KARAMIHANG KABATAAN LALO NA ANG MGA TAMBAY. DAPAT MAGHIGPIT ANG MGA KINAUUKULAN. EH WALANG TAKOT, PAANO NAMAN… WALA NAMAN NAHUHULI. UMAGA PALANG TAMBAYAN NA YAN LALO NA PAG GUMAGABI NA. NAGKALAT MGA TAMBAY NA KABATAAN. MGA NAKA-MOTOR NA MAY ANGKAS WALANG HULI. NASAAN ANG PINAPAIRAL NA PAGHIHIGPIT DITO SA BARANGAY NA ITO? WALA NA BANG CURFEW DITO? – MATA NG LANSANGAN

Grabeng mahal ng per kilo ng manok sa Pritil Market, madaya pa timbangan
Report ko po ang grabeng mahal ng bentahan ng manok dito sa Pritil Market, Tondo, Manila. Mantakin nyo ang per kilo ng manok P180, may daya pa ang timbangan nyan. Grabe talaga! Pinabili ko anak ko, nagalit pa yung may-ari ng manok. Dayo na nga lang sila dito para magtinda nandadaya pa. Sana puntahan ng DTI itong Pritil Market. – Concerned mamimili

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">