Advertisers
Todo tanggi ngayon ang Malacañang sa ulat na wala sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte dahil nagpapagamot ngayon sa Singapore.
Nauna rito ay ang maugong na balitang lulan ang Pangulong Duterte sa isang lear jet patungong Singapore nitong Agosto 15 dahil sa emergency treatment.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque hindi umano totoo ang naturang nakalap na impormasyon dahil nasa Davao lamang ang Presidente.
“There is no truth that the President left the country this weekend,” ani Roque. Kampante si Roque na nakamonitor lamang aniya ang Pangulo sa kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa. Matatandaan na umuwi sa kanyang Hometown ang Pangulo nitong Agosto 3 ng gabi.
Magugunita na ilang buwan ang nakalipas nang manawagan ang ilang mga political analysts sa Korte Suprema na ibunyag nito ang totoong kalagayan pang-kalusugan ng Pangulo para malaman ng publiko kung “fit to work” pa umano siya at may kakayahan pang mamuno ng bansa.
Ngayong araw ay inaasahang maghahatid ng anunsyo ang pangulo ukol sa estado ng community quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, na pare-parehong nasa modified enhanced (MECQ). (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)