Advertisers

Advertisers

Sec. Año muling nagpositibo sa covid-19

0 231

Advertisers

Kinumpirma kahapon ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na muli siyang nagpositibo sa Coronavirus disease at sasailalim sa quarantine.
Ayon kay Año, nagsimula noong Sept. 13 na makaranas siya ng sore throat at pananakit ng katawan na sintomas ng lagnat kaya’t nagpa-test umano siya at lumabas ang resulta na nagpositibo siya sa covid-19 noong Agosto 14.
“Last night, August 15, I received my test result informing me that I am once again positive for COVID-19. In the meantime, I am being closely monitored by my doctors while I am in isolation,” ani Año.
Umapela rin si Año sa publiko na mahalagang laging magsuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng social distancing upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa maging ng kanilang pamilya.
Magugunita na unang nagpositibo sa Covid-19 si Año noong buwan ng Marso. (Mark Obleada)