Advertisers

Advertisers

Airport utility workers inayudahan ng bisikleta ni Bong Go

0 678

Advertisers

Matapos malaman ang kanilang masamang sitwasyon, inayudahan ng bisikleta ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga contractual utility worker sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa report, ang mga nasabing manggagawa ay delay kung sumuweldo at hindi nakatatanggap ng hazard pay o food allowance mula sa airport authority sa panahon ng quarantine.
Agad ipinadala ni Sen. Go ang kanyang team para alamin ang sitwasyon ng mga manggagawa.
Nagbigay ng tulong ang opisina ni Go sa mga nasabing manggagawa na patuloy ang pagtatrabaho sa kabila ng napakahirap na kondisyon na dulot ng coronavirus disease (COVID-19) outbreak sa bansa.
Higit sa 3,000 airport utility workers na nakatalaga sa NAIA terminals ang nakatanggap ng face masks at grocery packs. Ang mga nasa Terminals 1, 2 at 3 ay binigyan ng assistance noong August 12, 13 at 14.
Namahagi si Sen. Go ng mga bisikleta sa piling manggagawa sa tatlong terminal para hindi na mahirapan sa araw-araw na pagpasok sa trabaho.
“Namigay po tayo ng face masks para sa kanilang proteksyon at pagkain. Namahagi rin po tayo ng bikes sa iilan sa mga trabahante para naman makatulong sa kanilang pagpunta sa trabaho at pag-uwi sa kanilang mga tahanan,” ayon kay Go.
“Alam kong nahihirapan tayong lahat sa sitwasyon ngayon. Kaunting tiis lang po, alam ko pong hirap na kayo. Huwag po kayong mag-alala, nakaabot sa akin ang inyong mga hinaing at tutulong po kami sa abot ng aming makakaya,” ang sabi ni Go sa pamamagitan ng video call sa airport utility workers na dumalo sa distribusyon ng ayuda.
Nakipagkoordina rin ang senador sa Department of Social Welfare and Development para mabigyan ng relief at financial assistance ang mga naturang manggagawa sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
“Subukan natin kung ano ang ating maitulong to compensate sa kanilang serbisyo sa ating kapwa, kasi sila ang medyo delikado ang ginagawa. Sila ang exposed, dapat naman i-compensate sila,” ani Go.
Ibinahagi ni Go sa utility workers na maaari rin silang makakuha ng financial at medical assistance sa Malasakit Centers, isa sa unang panukala niya na naisabatas noong Disyembre 2019.
“May mga Malasakit Center na tayo, 79 na po ‘yan sa buong bansa. Kung may kailangan kayo sa ospital, mga babayaran, andiyan po ang aking staff. Tutulong kami sa abot ng aming makakaya. Huwag po kayong mag-atubiling lumapit sa akin dahil trabaho po namin iyan na pagserbisyuhan kayo,” sabi ni Go.
“Kami po ni Pangulong Duterte, wala na po kaming ibang hihilingin sa Panginoon. Ibabalik lang namin sa tao ang serbisyong dapat ninyong matanggap mula sa gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo,” pagdidiin pa niya.
Nakiusap siya sa publiko na tumulong sa pagdarasal para malampasan ng bansa ang krisis.
“Kapag mayroon na pong vaccine, sisiguraduhin natin na ang lahat ng mahihirap ay uunahin sa vaccine. Kayo po ang mauuna lalo na ang mga vulnerable sector,” dagdag ng senador.