Advertisers

Advertisers

GF NI KLARISSE NAIYAK SA PAG-AMIN NG KANILANG RELASYON

0 11

Advertisers

Ni Beth Gelena

VIRAL ang pag-come out ni Klarisse de Guzman sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ng kanyang tunay na identity.

Inamin niya sa kanyang mga housemate na siya ay isang bisexual.



Ibinahagi niyang may karelasyon na siya, si Trina.

Apat na taon na raw ang kanilang relasyon.

Nakuhanan ng pahayag si Trina.

Aniya sa ABS-CBN News, “Super proud nung last night nung napanood ko. I can’t help, naiyak po talaga ako. Finally freedom naibigay na kay Klang po after how many years.”

Ayon kay Trina, hindi raw nila plinano ang pag-amin ng singer.



“We talked about it po bago siya umalis pero hindi po clear kung mag-a-out siya totally. Kasi for me naman po okay na po ako na tago kami kasi okay naman na po sa family namin kasi sila naman po ‘yung number one na magsu-support sa amin eh.”

Wala raw nakakaalam sa relasyon nila ni Klarisse, maging ang mga kasamahan nito sa ASAP kundi ang ilang mga kaibigan nilang sina Bugoy Drilon, Liezel Garcia at kanilang mga pamilya.

“Siguro hirap na rin po siya at hirap na ring magtago. Kasi binabanggit niya sa akin na ‘pag tinatanong siya hindi na niya alam kung ano ang isasagot. Dinadaan na lang niya sa jokes.”

Nang pumasok daw si Michelle Dee as a guest sa PBB house ay naramdaman na niyang may mangyayari.

“Nung time na pumasok si Michelle Dee, I knew it already. Kasi I saw Michelle joined Miss Universe, so I know advocate siya ng LGBT din before.”

Paano ba sila nag-meet ng singer?

Kwento niya, nagmeet daw sila via Instagram. 22 raw siya at 28 naman si Klarisse.

Ang singer daw ang unang nag-message sa kanya ng fire emoji na naka-direct sa.kanya.

Na-surprise raw siya, pero sumagot siya, ‘shookt. Is this real?’

Kilala raw niya kung sino si Klatisse, “kasi ‘yung family ko po sa dad side ko po sa UAE, so they’re always watching TFC. So tutok po sila sa Kapamilya.”

“Nag-meet kami after a few months, kasi mahigpit po noon (during the pandemic lockdown).”

After ng ilang months nilang nagkikita, they became an official couple. But Trina said the road to where they are now wasn’t smooth.

“I can say na-test din po talaga kung paano kami as a partner. Kasi it wasn’t easy. We go out normal, we don’t do super close sa labas. I’m happy kasi more on growth na yung gusto namin. Plans, business things,” lahad niya.

Kung nabulgar man daw ang kanilang relasyon sa publiko ay hindi na raw niya iyon inaalala.

What mattered most to both of them was the acceptance and support from their family.

“Iba po kasi yung family, parang mas buo yung pagkatao ko rin nung naging malaya si Klang.”

“Iba po ‘yung feeling. Kasi kung hindi ka tanggap ng ibang tao, pero ‘yung mga tao sa paligid mo tanggap ka, hindi ka matatakot. Hindi ka matatakot na mag-express ng totoo mong nararamdaman,” dagdag pa niya.

Nakasuporta naman ang ina ng aktres sa relasyon nila ni Trina.

Katunayan, ang tawag niya rito ay manugang at si Trina raw ang karamay nila nang mamatay ang kanyang mister.

***

DRA. VICKI BELO CANCER SURVIVOR

SINAGOT ni Dra. Vicki Belo nang may nakapunang uneven ang kanyang dibdib.

Ini-screenshot ng celebrity doctor ang unsolicited remark ng commenter.

“Please be kind na lang,” ang emotional na sabi ni Dra. Vicki sa nagkomento.

“I thought I’d address it because baka you think my breasts were done in Belo and it’s uneven. That’s so not true,” panimula ng doktora.

Kinuwento niya na nakipaglaban siya sa kanyang breast cancer ng 2016 kung saan nasa stage three na.

“If you recall, I had breast cancer nine years ago, and my tumor was actually five cm by seven cm big on my left breast. They took out the tumor.”

Sa US daw siya nagpagamot.

“They put something in and I don’t even know what it is. I asked my doctor, he told me it’s tissue but it’s not silicone. It’s something much harder,” patuloy niya.

As per the celebrity doctor, three lymph nodes were removed from her underarm, which explains why it is a little deep on one side. She then became teary-eyed when she urged the public to be kind in commenting about her body.

“Please be kind na lang. You know, I’m a cancer survivor. I was a bit depressed in the beginning but I didn’t let it affect my life.”

“I love clothes, I love sleeveless clothes, iiyak na ako, so I still wear them.”

“Anyway, I hope you understand,” wika pa ng wife ni Dr. Hayden Kho.

***

ANDREA PINASALAMATAN SI HEART SA DIAMOND NECKLACE NA PINAHIRAM

PINOST ni Andrea Brillantes ang kanyang OOTD nang um-attend ng ABS-CBN Ball 2025 na ginanap sa Solaire North last April 4.

Simple suit, pero napaka-elegante ng aktres sa kanyang suot.

Aniya sa caption: “Ill be on my suit and tie.”

Pinasalamatan din ni Andrea si Heart Evangelista dahil sa pagpapahiram nito ng mamahaling kwentas ng misis ni SP Chiz Escudero.

Ang sagot ni Heart kay Blythe, “anytime”

Dahil dito ay pinuri ng fans ni Andrea ang Kapuso aktres.

Anila: “wow bait naman ni Mrs Heart”

Patutsada naman para kay Heart ang komento ng netizen, “@iamhearte ganitong katawan kay andrea ang tumay na sexy at sarap sa mata na katawan hindi buto’t balat na malnourished”

Sinaway naman siya ng isang commenter, “bawal po ang bully dito”

“Teh bawal mga inggit dito dun ka sa idol mo”

“Thank you @iamheaete grabe sobrang mahal ng necklace na yun”

“Thank you po youre the best! Hot naman ng Andrea Brillantes!!

” Wow lakas maka-CEO ni Blythe.. A TRULY LADY BOSS”