Sam nalungkot, ‘di kasama ang labs na si Catriona sa b-day; Xian natupad ang wish maka-date si Kim sa motor bike
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
FINALLY, isa sa mga dream date na gusto ni Xian Lim ang natupad.
Matagal na nga raw nitong niyayaya ang gf na si Kim Chiu sa gusto ni Xian.
Kaya gulat si Xian at pinagbigyan siya ni Kim.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay dream come true para kay Xian ang natugunan ang kanyang kagustuhan.
Sa post nga sa kanilang socmed ay pinasalamatan ni Xian ang gf na si Kim dahil sa pagpapaubaya nito.
Sa post comment naman ni Kimmy kay Xian, “As long us masaya ka, thanks Xi sa kabila ng matinding init, ” sey pa ng singer-actress.
Kahit sa post ni Xian na kita ang OOTD ng magdyowa habang sakay sa big bike.
At eto na nga raw ang best date ng dalawa na magkasama sila sa joy ride.
Nag-thank you rin si Xian sa pagtitiwala ni Kim na makasama sa kanilang date na sobrang init pero marami naman silang nalibot at naikot.
For sure, wish si Xian na maulit muli ang pagsama ni Kim sa kanilang pagmo-motor bike.
***
ALAM daw ni Sam Milby na hindi nito makakasama ang gf na si Catriona Gray nung Sunday na kaarawan niya.
Iba pa rin daw ang nandun ang gf kaya binati na lang ni Catriona ang bf na super mega sweet.
Kaya naman expect na talagang may bahid ng kalungkutan si Sam na hindi nito kapiling ang gf.
Nasa Australia pa kasi si Catriona kasama ang pamilya.
Isang taon at kalahati naman na hindi nakasama ni Catriona ang kanyang pamilya dahil sa pandemya.
Kaya mag-isa lang nagdiwang si Sam na wala si Cat at matatagalan pa nga raw bago ito makabalik sa ating bansa.
Naibsan ang kalungkutan ni Sam nang makita ang mga posted pics na masaya ang gf na kasama ang pamilya.
At marami pa naman daw birthday na mararanasan si Sam kaya tiis-tiis lang muna at darating na sa mga susunod nitong kaarawan ay kapiling na nito si Catriona.
Well, well, well…’Yun na!