Advertisers

Advertisers

Christian nag-iisang Asian judge sa Djooky Music Awards

0 372

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ANG Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ang kaisa-isang Asian judge sa gaganaping Djooky Music Awards (DMA) ngayong taon.

Kabilang ang Kapuso performer sa bigating international panel of judges para sa magiging National Voting Round ng Spring Season. Sa ikalawang taon ng DMA, layunin nito na isali ang iba pang bansa sa Southeast Asia para maging parte sa bago nitong music platform competition.



Samantala, abalang-abala rin si Christian sa nalalapit na Season 4 ng all-original singing competition na ‘The Clash.’ Parte rin siya ng cast ng upcoming musical series ng Viu na ‘Still’ na makakasama niya ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose.

***

SA pinakabagong promo na “Kapuso Bigay Premyo Panalo,” maraming papremyo ang hatid ng GMA Network sa mahigit 1,600 winners ng daily at weekly prizes nationwide!

Linggu-linggo ay may mananalo ng Cash Packages tulad ng Eskuwela Electronics Cash, Hanep-Buhay Start-up Cash, at Bangon-Kabuhayan Cash na nagkakahalaga ng hanggang Php100,000!

Bukod pa rito, ang lahat ng participants na may isasamang sari-sari store partner sa kanilang entries ay maaaring manalo ng karagdagang premyo, pati na rin ang kanilang sari-sari store partner!



Lahat ng non-winning entries sa weekly draws ay qualified sa Grand Raffle Draw na naghihintay ang bonggang prize na brand-new house and lot para sa mabubunot na Grand Winner, habang ang kanyang sari-sari store partner ay mananalo ng Php20,000 Paninda Cash Package!

Para sa karagdagang detalye kung paano sumali, pumunta lang sa official website na www.gmanetwork.com/GMAPromos o sa Facebook page na www.facebook.com/GMAPromos. Per DOH-FDA-CFRR Permit no. 0620 Series of 2021.

***

IPINAKILALA na nga ang hosts ng ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’ na sina Martin Javier at Sophia Senoron. Naikuwento ni Sophia na noong estudyante pa lang daw siya sa San Beda University ay nahilig na siya sa sports. “I graduated from San Beda University and in the first year, I was part of San Beda Red Corps, the PEP team of my school. Mahilig din ako mag-badminton and mag-tennis. Really, I’m just truly a fan of sports, mahilig ako manuod. Doon ko dinadala ang competitiveness ko na kahit hindi ako athlete, I’m very competitive in cheering for my team. Gusto ko ako ang pinakamalakas in cheering na nakikita sa big screen ng scoreboard,” pabiro niyang kuwento.

Tila destiny naman ang pagiging sports fan ni Sophia dahil ngayon nga ay co-host siya ng primer para sa upcoming NCAA Season 96.

Tutok na sa ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’ simula noong May 23. Mapapanood ito every Sunday at 5:05 p.m., Saturday at 4:30 p.m., and Monday to Friday at 2:45 p.m. on GTV.