Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
KAHIT tapos na ang Mother’s Day, nagkaroon ng pa-tribute si Danica Sotto sa kanyang mom na si Dina Bonnevie kamakailan.
Pero bago rito, nagbigay siya ng ibang detalye sa pagiging manang at istrikta ng actress noong panahong nagdadalaga pa lamang siya sa piling nito.
Katunayan,nagkaroon daw sila ng hindi pagkakaunawaan ni Dina dahil sa pagiging old school at konserbatibo nito.
“Strong, smart and beautiful. That’s our Mama. We would often have misunderstandings when I was a teenager because I didn’t like her rules and didn’t understand her way of discipline,” sey ni Danica sa kanyang Instagram post.
“Feeling ko she was too strict. Sabi ko, old school na yan,” dugtong niya.
Gayunpaman, noong mag-asawa raw siya at magkaanak, doon niya naunawaan nang lubos ang pagiging istrikta ng ina.
“Little did I know that her pieces of advice would one day be my guide. I’m thankful because she has taught us how to be strong,” bulalas niya.
Aminado siyang hindi perpekto ang ina pero ginawa raw nito ang lahat para mapalaki silang magkapatid na responsible.
“Of course she’s not a perfect Mom, she also has her shortcomings but she did her best in raising us. When I feel challenged sa parenting, sa business at iba pa, I can actually hear her voice in my head… pinapalakas ang loob ko. I’m happy that I’m able to apply everything that she has taught me,” hirit niya.
Sa huli, ibinahagi naman niya ang kanyang mga natutunan sa pagpapalaki ng kanyang mga anak.
“Yung disiplina ng isang ina or magulang ay para sa ating mga anak yun. We may not understand at first but it will all make sense when we get older. More so when you become a parent. You’ll know how much they sacrificed because they love you,” ani Danica.
Si Danica ay kasal sa basketbolistang si Marc Pingris at meron silang dalawang anak, sina Anielle Micaela Pingris at Jean Michael Pingris.