Advertisers
ISANG lalaking delivery rider ang nahuli-cam na hinipuan ang 23- anyos na babaeng naglalakad sa Quezon City.
Kinilala ang nanghipo na si Justin De Guzman.
Sa ulat, makikita sa CCTV footage sa Barangay Mariana na naglalakad ang babae noong May 14 nang madaanan niya ang lalaki na nakatayo sa bangketa.
Nilampasan ng babae ang lalaki at nagpatuloy sa kaniyang paglalakad.
Hindi namalayan ng biktima na sinundan siya ng lalaki at nang magkaroon ng pagkakataon ay hinipo ng lalaki ang likurang bahagi ng babae.
Nagulat ang babae at napatakbo sa takot.
Tumakbo rin ang lalaki at sumakay sa motorsiklo.
Napag-alaman na dati naring inireklamo si De Guzman ng panghihipo.
Mahaharap si De Guzman sa reklamong ‘Acts of lasciviousness’.