Advertisers

Advertisers

MOMMY NI-RAPE, KINATAY HABANG NALILIGO SA DUGO SA HARAP NG ANAK

0 394

Advertisers

PATAY ang isang ginang nang laslasin ang leeg at halayin, habang nasa kritikal na kondisyon naman ang menor de edad na anak nito na tinaga rin ng salarin sa Barangay Villaconzoilo, Jaro, Leyte.
Sa ulat, hindi muna pinangalanan ng pulisya ang nasawing 33-anyos na ina at menor-de-edad niyang anak na nasa kritikal na kalagayan.
Ayon kay P/Lt. Hazel Vacal, tagapagsalita ng Leyte Police Provincial Office (LPPO), naganap ang insidente sa Brgy. Villaconzoilo.
Nabatid na habang naglalakad ang mag-ina papuntang bukid nang harangin ng hindi pa kilalang salarin.
Ayon sa ulat, nagulat ang ginang nang bigla siyang yapusin at pinaghahalikan ng salarin.
Pumalag ang biktima pero hindi parin siya binitawan ng lalaki kaya sumigaw na siya ng tulong. Dito na hinugot ng salarin ang sukbit na itak at nilaslas ang leeg ng ginang at pinagtataga sa iba’t ibang parte ng katawan.
Sunod na tinaga ng salarin ang anak ng ginang.
Habang duguang nakahandusay sa lupa at walang malay, hinubaran siya ng salarin at ginahasa.
Nasaksihan ng anak ng biktima na nakahandusay din sa tama ng taga ang panghahalay ng salarin sa ina.
At sa kabila ng mga sugat sa katawan, nakatakbo ang bata hanggang sa makahingi ng tulong sa kapitbahay.
Mabilis na rumesponde ang mga pulis sa lugar ng insidente, ngunit hindi na nadatnanang buhay ang ginang at nakatakas na rin ang salarin.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen at pagkakakilanlan sa nakatakas na salarin. (PTF team)