Advertisers
KINARNAP ang isang motorsiklo at ipinost sa murang halaga sa Facebook sa Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Hardeep Dhatt, Mark Bryan Lubiran, Charles Smith Talastas at Don Constantino, pawang mga nasa hustong gulang, ng Bacoor City.
Ang biktima ay kinilalang si Raymond Oracion, nasa hustong gulang, ng Molino.
Sa ulat, humingi ng tulong sa otoridad si Oracio nang makita nito na naka-post sa Facebook na ipinagbibili ng mga suspek ang ninakaw na Yamaha Mio sa murang halaga.
Agad namang nagkasa ng entrapment ang kapulisan sa parking lot ng Puregold sa Brgy. Molino na nagpagkasunduan ang meet up at bayaran, 10:40 ng gabi sa nasabing lugar.
Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa sa mga naarestong suspek. (Irine Gasco)