Advertisers
NAGPASAKLOLO sa National Bureau of Investigation (NBI) si Labor Secretary Silvestre Bello III upang paimbestigahan ang bogus social media account gamit ang kanyang pangalan at profile para makapang-solicit para sa community pantry.
Sa naturang facebook account, nabanggit din na tatakbo ang kalihim sa darating na eleksyon.
“It is lamentable that some people would resort to this despicable scheme to besmirch my name for their advantage. And it is doubly deplorable that they would use falsehood and deception to victimize others in this time of crisis,” pahayag ni Bello.
Ang pekeng FB account ay gamit ang pangalang “Silvestre H. Bello III” at kanyang larawan at personal na detalye.
Gamit din ang background photo ang tarpaulin ng DOLE’s flagship program TUPAD nang mamahagi ng ayuda sa Tarlac kasama si Governor Susan Yap.
Ang pekeng account, na gumagamit din ng opisyal na logo ng DOLE, ay naglabas ng mga hindi mapaghihinalaang opisyal at kaibigan ni Bello at mayroon nang 1,211 Facebook friends.
Ang masamang aktibidad na ginagamit ang bogus na FB account ay nakuha ang pansin ng kalihim nang mag-post ito social media.
“Pwede ba kayo mag-donate sa community pantry ko. Send ko bank details. Hinati-hati ko kasi sa ibang grupo. Tatakbo kasi ako senador,” ayon sa pekeng social media account.
Ayon sa DOLE, gumagamit si Bello ng official FB account simula 2010. (Jocelyn Domenden)