Advertisers

Advertisers

LARONG BILLIARDS AT HEPE NG LOPEZ, QUEZON

0 567

Advertisers

KAPAG international sports ang pinag-uusapan, isa ang larong billiards sa mina ng ginto ng Pilipinas. May mga bilyaristang Pinoy na umukit ng pangalan sa larangan at kinatakutan ng mga dayuhan. Kung sa ibang sports lumalaban ang Pilipinas ay hanggang Asian level lang tayo nakakaporma pero kapag Americans, Europeans o maging Africans na matatangkad at mas malalaki ay tiklop agad ang Pinoy diyan, maliban din sa boksing na may weight category kaya may laban ang Pinoy sa mga world caliber. Pero sa larangan ng billiards, di palulupig ang ating mga pambatong ‘mananako’ dahil kinatatakutan ng mga puti at itim ang mga Pinoy at naghahari ang kayumanggi sa larong presisyon at talino ng diskarte ang puhunan sa laban. Salamat kina world champs at Asian gold medalists Efren ‘Bata’ Reyes, Djanggo Bustamante, Dennis Orcollo, Marlon Manalo maging ang Pinay na si Rubilen Amit ay mga magigiting na nagpaluhod sa mga higanteng kalaban para sa karangalan ng bansa. Dahil din sa kanila, ang billiards ay nag-transform bilang national sports at nakawala ito sa imahe ng bisyo ng kabataan at mga tambay at hindi na galit si nanay o si tatay kapag nalamang nagbibilyar ang kanilang anak basta di napapabayaan ang pag-aaral. Marami pang matutuklasang mga potensyal na bilyarista sa Pilipinas basta tuloy lang ang grassroot development program hanggang sa KANAYUNAN sa buong kapuluan. Ang billiards tulad ng basketball ay hitik ang talento lalo sa probinsiya dahil hanggang sa mga barangay ay maraming naglalarong kabataan. Katalo na kahit yelo o family size na softdrinks ang premyo ng mananalo sa laban. Dahil nahasa sa mga larong kanto ay ang mga natutuklasan sa nayon ay mga professional basketball players na at milyong piso ang kinikita habang ang mga bilyaristang nadidiskubre ay pambato na ng Pilipinas sa SEAGames, Asian Games hanggang sa World Pool Championships at pawang maririwasa na sa buhay.

Marami sa mga kabataang magagaling tumumbok ay iniidolo si ‘Bata, Djanggo at Marvelous Manalo’. Sila ay nag-aambisyong maging manlalaro ng bansa bukod sa pangarap na maingat ang kanilang buhay mula sa kahirapan. Sa lalawigan ng Quezon, balitado na maraming mga batikang bilyarista doon na dinadayo at laging umuuwing luhaan ang mga dayuhan. Partikular sa bayan ng Lopez, maraming potensyal na kabataan ang mga batikan at kailangan lang na matuklasan. Ngayong panahon ng pandemya ay pansamantalang natigil ang mga aktibidad sa sports kabilang na ang billiards noong ECQ. Sa kasalukuyan, bukod tangi na lang sa NCR at karatig ang nasa MECQ and the rest of the country ay nasa GCQ at MGCQ na ibig sabihin ay maluwag na ang mga alituntunin sa mga trabaho, propesyon, negosyo, transportasyon at sports kasama na ang billiards na hindi naman contact sport ang mga nagtutunggali at makakatalima sa health protocol sa ‘new normal ‘na pinapatupad ng LGU, DOH at IATF. Kaya pinapayagan na ang mga laro sa billiards basta walang halong kabulastugan ang pinaglalabanan. Basta ito ay para sa sports development at TALENT SEARCH sa mga lalawigan ay di ito dapat higpitan. Tinatawagan ng pansin ng korner na ito ang HEPE ng KAPULISAN sa Lopez, Quezon na kanyang suportahan ang sport na billiards sa kanyang nasasakupan basta sa larangan ng sports at para sa bayan. Huwag sanang presyurin ng kanyang mga tauhan ang mga manlalaro lalo’t wala naman perang pinaglalabanan kundi isa itong libangan at pagtupad sa isang ambisyon ng potensyal na bilyaristang susunod sa yapak nina BATA para sa karangalan ng bansa.

Huwag IPATIGIL ang PANGARAP at atin silang suportahan sa kanilang pagsargo ng karangalan ng bayan… ABANGAN!!



LOWCUT: Good morning kay Hepe Margarito Umali sir at mga alagad ng Kapulisan diyan sa Lopez na sina Felix Amboy, Michael Mañas, Onad Villamayor, Marlon Author, Jaymar Naval, Jerry Olivarez at buong puwersa na nangangalaga ng kapayapaan ng bayan sa timon ni Chief Umali…SALUDO kabayan! Shoutout sa ating masugid na suki ng Police Files Tonite at Uppercut na si G. Nomer Ladores diyan sa St. Joseph, Tabing Ilog, Marilao sa Bulacan (kabalwarte ni Pareng Dennis Inigo). Kumpleto raw ang kanyang araw kapag may kopya na siya ng PFT. Belated birthday greetings sa kanyang anak na si Noel (August 7) at advance happy birthday in heaven kay Nanay Adela (Sept.10). Magandang Araw sa mga taga- Marilao! Para sa reaksiyon..kumontak sa #09395584762.