Advertisers

Advertisers

Miss Universe Philippines Rabiya Mateo at iba pa, nagkaisa para sa adbokasiya

0 334

Advertisers

Ni BKC

SA social media accounts ni Miss Universe Philippines (MUP) 2020 Rabiya Mateo, mapapansin ang kanyang malasakit para sa mga medical workers.

Ang pagtulong sa kanila ngayong panahon ng pandemya ang isa sa kanyang isinusulong na adbokasiya bilang licensed physical therapist, at nagtuturo rin sa medical review center.



Nang ipinatupad ang enhanced community quarantine o ECQ noong nakaraang taon, kaagad na tinawagan ni Rabiya ang kanyang kaibigan na nurse na nagtatrabaho sa isang ospital sa Maynila para kumustahin ang kalagayan nito.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Rabiya ang pagpugay sa mga frontliners na kanyang tinawag na “silent heroes.” “Thank you for sacrificing a lot of things just to make sure everything will be under control. Thank you for having the bravest and kindest souls. We are all praying for your health and safety,” ani Rabiya.

Malapit sa puso ni Rabiya ang mga medical frontliners kaya naman hindi na kataka-taka na ginawa niyang adbokasiya ang pag-proteksyon sa sarili para maprotektahan sila. Kamakailan, nagsama-sama muli si Rabiya at iba pang kasalukuyang reyna ng MUP na sina first runner-up Bella Ysmael, third runner-up Pauline Amelinckx, at fourth runner-up Billie Hakenson para itaguyod ang good hygiene bilang frontline defense laban sa COVID-19.

Sa patuloy pa rin na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo, ang good hygiene at tamang pag-sanitize ng mga kamay ay napakahalaga para malabanan at masugpo ang pandemya, kasabay ang pagsusuot ng face mask at face shield, at physical distancing.

Sina Rabiya, kasama ang dating Miss Universe third runner-up at ngayon ay MUP National director Shamcey Supsup-Lee, ay naglabas ng isang video na ibinahagi nila ang kahalagahan ng paggawa ng mga simpleng bagay tulad ng pagpapanatiling malinis ang mga kamay at iba pang mga bagay na madalas na hinahawakan bilang isa sa pinakamabisang paraan para maprotektahan ang sarili at iyong kapwa laban sa COVID-19.



“We all play a critical role in the fight against COVID-19. Good hand hygiene behavior is one of the most effective actions we can take to reduce the spread of viruses and infections. San Miguel Ethyl Alcohol takes the crown for my daily protection needs and I use it as part of my all-day frontline defense,” ani Rabiya, na sumabak kamakailan sa Miss Universe pageant sa Florida, USA.

Ang San Miguel Ethyl Alcohol ay natural at gawa sa sugarcane kaya ito ay ligtas na gamitin sa kamay at sa mga kagamitan sa bahay. Ang disinfecting formula nito ay pumapatay ng 99.99% germs at nagsisilbing proteksyon laban sa mga bacteria at viruses, habang ang moisturizing ingredients nito ay banayad at mabango sa balat.

Ang good hygiene ay ginawang abot-kaya ng San Miguel Ethyl Alcohol na mabibili sa 250 ml, 500 ml, at 1-liter bottles nationwide. Ang San Miguel Ethyl Alcohol din ang ipinamigay nang libre ng San Miguel Corporation (SMC) sa pamamagitan ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) para sa mga frontliners nang nagkaroon ng kakulangan ng rubbing alcohol sa pagsisimula ng pandemya noong nakaraang taon.

CAPTION FOR PICTURE

 Miss Universe Philippines at San Miguel Ethyl Alcohol nagsanib-pwersa Muling nagsama-sama sina Miss Universe Philippines (MUP) 2020 Rabiya Mateo, third runner-up Pauline Amelinckx, fourth runner-up Billie Hakenson, first runner-up Bella Ysmael at MUP National director Shamcey Supsup-Lee para itaguyod ang good hygiene kasama ang San Miguel Ethyl Alcohol bilang frontline defense laban sa COVID-19.