Advertisers

Advertisers

‘BILYONG DOLYAR ANG UTANG NG NPA SA MAMAMAYAN’

0 277

Advertisers

MAHIGIT isang bilyong dolyar na ang pagkakautang ng New People’s Army (NPA) at maging ng mga opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP), na pareho nang tinuturing na mga Communist Terrorist Group (CTG), sa mga atraso at pang-aabuso nitong mga nagawa, ayon sa tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Miyerkules.
Sa pahayag ni Undersecretary Severo Catura, Executive Director ng Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS), ipinaliwanag niya na sa ilalim na mga lokal at internasyunal na batas, partikular ang International Humanitarian Law (IHL), ang sinumang grupo na napatunayang nakagawa ng mga pang-aabuso at pagpapahirap sa gitna ng pakikibaka ay maaaring pagbayarin ng danyos sa kanilang mga nabiktima.
Sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act No. 9851, “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity”, na nilagdaan December 11, 2009, sinabi ni Catura na kailangang sundin ng hukuman ang mga prinsipyo sa pagbibigay kabayaran at rehabilitasyon sa mga biktima base sa bigat ng mga nagawa ng mga salarin sa kanilang mga nabiktima.
“Subalit anumang halaga ang itatakda at ididemandang ibayad ng hukuman sa mga biktima ay hindi na maipapalit sa pera na dinanas ng mga biktima sa mga kamay ng CTG,” paliwanag ni Catura na tagapagsalita ng task force sa larangan ng karapatang pantao, usapang pangkapayapaan at mga international engagements.
Aniya, tama lamang na pagbayarin ang mga CTG at panagutin ang mga ito sa kanilang mga krimen gaya ng pagpatay sa mga inosenteng sibilyan, paninira ng mga ari-arian ng pamahalaan at ng pribadong mga mamamayan, pagdukot at paggamit sa mga kabataan bilang kanilang mga mandirigma at pagpatay sa kanilang mga mismong kasapi.
“Naisumite na ng AFP (Armed Forces of the Philippines) ang listahan ng mga atraso ng NPA at CPP at maaari na ang mga ito ay desisyunan ng hukuman,” dagdag pa ni Catura na sinabi ring kanilang isusulong ang mga kaso sa International Committee of the Red Cross (ICRC) na laging kaakibat ng sandatahan sa mahigpit na pagsunod sa IHL bilang kanilang tunay na tungkulin.
“Amin din ipaalam ang mga ito sa United Nations sa pamamagitan ng kanilang UN Resident Coordinator at Senior Human Rights Adviser dito sa Pilipinas,” sabi pa ni Catura.
Dahil ang UN Office of the High Commissioner on Human Rights na ang nagsabi sa isang ulat nito, na napakarami nang nagawang pang-aabuso at atraso ang NPA ay dapat nang pagbayarin ang mga ito sa kanilang mga kasalanan sa bayan.
Kamakailan lamang din ay naglabas ang AFP-Center on the Laws of Armed Conflict (AFP-CLOAC) na nasa 1,506 kaso na ng mga krimen ang kanilang naitala na kagagawan ng CPP-NPA.
Ayon kay BGen. Jose Nacnac, kasama na sa bilang na ito ang halos 500 kabataang nirekrut bilang armadong NPA at daan-daan ding biktima ng sadyang pananambang at pagpatay sa mga sundalo, pulis at sibilyan.