Advertisers

Advertisers

Gari Escobar sasabak na rin sa pag-aartista

0 398

Advertisers

BUKOD sa pagiging prolific na singer/songwriter, kilala si Gari Escobar bilang isang diehard Noranian.
Pero recently ay nalaman namin na sumabak na rin siya sa acting workshop. Ang acting coach niya ay walang iba kundi ang premyadong aktres na si Ms. Cherie Gil.

Kuwento niya sa amin, “Yes, naka-enroll ako sa Cherie Gil Masterclass na nag- start na noong August 14, kaya very excited ako. Bale, online acting workshop po ito.”

Nang i-double check namin kung ito ba si Cherie Gil na kilalang aktres, ito ang reply niya sa amin:



“Yes kuya, si Ms. Cherie Gil na kapatid ni Mark Gil po, sobrang hanga kasi ako sa kanya, icon po siya. At may international awards na rin po siya. Sa palagay ko, isa siya sa mga underrated actors sa Pilipinas.”

So, gusto niyang mag-artista na rin?

Tugon ni Gari, “Dati po hindi, pero nag-eexplore lang po ako ng mga kaya ko pang gawin, habang kaya pa po, for one, gusto ko po magpatawa at magpasaya ng mga tao.”

Nabanggit din ni Gari ang mga hinahangaan niyang komedyante. “Idol ko si Tito Dolphy at si Michael V, gusto ko ang kanilang style,” maikling saad niya.

Sino ang gusto niyang maka-work bilang artista, kung sakali?



Esplika niya, “Gusto ko po maka-work sina Bela Padilla, si Ms. Cherie Gil, si ate Guy, si Maricel Soriano at marami pa po. Kasi mga hinahangaan ko talaga sila at magagaling talaga sila sa kanilang larangan.”

Si Gari ang nasa likod ng self-titled album mula Ivory Music na may 12 cuts na kinabibilangan ng mga awiting Baguio, Dito Sa Piling Ko, Tama Na, Habang Nandito Pa Ako, From Friends to Lovers, Hanap Ko Pa Rin, Ayoko na Sayo, Ayaw Kong Makita Ka, Hindi Ka Na Muling Mag-iisa, Isang Halik Pa, Masisisi Mo Ba, at Lumaban Ka na karamihan ay siya mismo ang sumulat.

Samantala, nalaman din namin na nagpapahanap ng mga ospital na mabibigyan ng Isolation Tents si Gari.

Bukod sa kanyang daily FB live na siya ay nagbibigay buhay at pag-asa sa ating mga kababayan sa panahong ito ng pandemic, aktibong tumutulong sa mga frontliners ang grupo ni Gari na tinatawag na “Team Supreme.” (NONIE V. NICASIO)