Advertisers
NATURUKAN na ng AstraZeneca si Bise Presidente Leni Robredo na kanyang unang dose ng COVID-19 vaccine sa vaccination site ng Pinyahan Elementary School sa Quezon City nitong Miyerkules, Mayo 19.
“Done with my 1st dose of the vaccine. Now being monitored. Everything has been seamless,” ani Robredo sa kanyang online post.
Kasamang nagpabakuna ni VP Leni ang 17 iba pang staff ng Office of the Vice President.
Pare-pareho raw silang pasok sa A3 priority group o mga indibidwal na may comorbidity.
“Yung ibang mga kasama ko today yung mga nag-urong sulong nung nakaraan,” pahayag pa ni Robredo.
Ayon pa kay Robredo, noong Mayo 13 nang magparehistro sila sa QC Protektado website matapos dumaan sa konsultasyon. (Josephine Patricio)