Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 4,700 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Mayo 19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,986 na gumaling at 136 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.3% (49,951) ang aktibong kaso, 94.0% (1,089,613) na ang gumaling, at 1.68% (19,507) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, ang lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Mayo 17, 2021 ngunit mayroong 7 na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 4.4% sa lahat ng samples na nai-test at 6.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)