Advertisers

Advertisers

BGY. KAPITAN AT KABIT HULING NAGSE-SEX SA LOOB NG VAN!

0 897

Advertisers

SWAK sa kulungan ang isang barangay kapitan at kalaguyo nito matapos gumagawa ng kahalayan sa loob ng kanilang nakaparadang sasakyan malapit sa bagong city hall sa Barangay Bulihan, Bulacan nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ang naaresto na sina Emmanuel Galang, 38 anyos, may asawa, kapitan ng barangay, at nakatira sa 91, Bgy. Malumot, Paombong; habang ang kalaguyo nito ay si Diana Enriquez, 26, dalaga, taga-Bgy. Bulihan.
Sa ulat, natiyempuhan ang dalawa ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit/Intelligence Unit ng Malolos City Police Station na parehong walang saplot sa katawan sa loob ng kulay puting Hi-Ace Van.
Naghinala ang mga ope-ratiba na may ginagawang hindi maganda sa loob ng nasabing van dahil sa malakas na pagyugyog nito kaya kanilang nilapitan at inilawan gamit ang flaslight, kungsaan nakita ang dalawa na aktong nagtatalik.
Kasalukuyang nakadetine ang mag-partner sa Malolos City Police habang inihahanda ang kasong isasampa sa mga ito.(Thony Arcenal)