Advertisers
KASALUKUYANG pinag-uusapan ng Senado at Kamara ang magiging budget sa ‘Bayanihan 2’ para sa recovery sa pagkakalugmok sa covid 19 pandemic.
Ayon kay Senador Frank Drilon, Senate minority floor leader, ang Senado ay nagmumungkahi ng P140 bilyon, habang ang Kamara naman ay P162 bilyon.
Kabilang sa mapopondohan dito ang Social Amelioration Program (SAP) phase 3, kungsaan ang bawat pamilyang walang pinagkikitaan ngayon nasa pandemya ang bansa ay makatatanggap uli ng P5,000 hanggang P8,000 depende sa minimum rate sa bawat rehiyon.
Hindi lang matiyak ni Drilon kung magkano ang magiging budget sa SAP 3 at kung ilang pamilya ang mabibigyan.
Magkakaroon din ng budget na P15 bilyon para sa cash for work program.
May mga benepisyo rin para sa frontliners na mga nurse at doctor. Ang magkakasakit ng mild symptoms ay tatanggap ng P15,000, habang ang malubha ay P100,000 at ang masasawi ay P1 milyon para sa pamilya nito.
Ang pondo sa Bayanhan ay 2 ay huhugutin mula sa mga proyektong hindi pa nagagawa at mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) na hindi nagagalaw ang kanilang pondo.
Sinabi rin ni Drilon na sa ilalim ng Bayanihan 2 ay magkakaroon ng grace period sa mga loan na 60 days.
Samantala, tinalakay din ni Drilon ang problema sa telecommunications (TELCO).
Ang 30 permits na kinakailangan para makapagpatayo ng isang tower ay pinsususpinde ng 3 taon para mapabilis ang pagpapagawa ng towers ng telco.
Isang permit nalang aniya ang kailangan, ang building permit. At ito’y dapat i-release sa loob lamang ng 7 working days. Kung hindi aniya ito maaksiyunan sa loob ng mga araw na ito ay considered approved ang permit.