Advertisers

Advertisers

What? P10-B TOURISM BUDGET IPAMIMIGAY LANG NI PUYAT?

0 353

Advertisers

NAKAGUGULAT naman ang inaasta ngayon ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa pagbabalangkas ng mga dapat gawin para matulungan ang lugmok na tourism industry. Pinipilit niya ang gusto ni Tourism Congress of the Philippines president Jose Clemente III na bigyan ng direktang tulong o “dole out” ang mga pribadong kumpanya sa tourism industry. Eh bawal po ito sa batas.

Para siyang ibon na inuulit ang sinasabi ni Clemente. Na dapat daw ibalik ng Kamara de Representante ang nilagay na P10 billion ng Senado sa panukalang Bayanihan To Recover As One Act o Bayanihan 2 na pautang at tulong para sa tourism sector, sa halip na ilaan para sa tourism infrastructure.

May P10 billion kasi na nilaan ang Senado sa bersyon nito ng Bayanihan 2 para sa mga pautang sa tourism sector.



Sa bersyon ng Kamara, ang P10 billion ay nilaan para sa infrastructure projects ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority’s (TIEZA).

Ang suporta para sa turismo ay nasa ilalim ng P51 billion na ipapasok na kapital sa government financial institutions (GFIs) para maipautang sa iba’t ibang negosyong napeste ng COVID-19, kasama na dito ang tourism industry.

Ito ang tama at legal na paraan para matulungan ang mga pribadong negosyo sa tourism sector.

Hindi puede ang sinasabi nina Puyat at Clemente na mga programa diumano ng Department of Tourism (DOT) para pondohan ang mga negosyo sa tourism industry. Tulad ng sinabi ni Deputy Speaker LRay Villafuerte: Bawal ang pagbibigay ng dole out sa mga pribadong kumpanya, na siyang pinupunto ng gusto nina Puyat at Clemente sa paglalaan ng P9.5 billion bilang pondo para matulungan ang mga negosyong tulad ng hotels, resorts at travel agencies gaya ng Rajah Tours na pag-aari ni Clemente.

Para maging maayos at matulungan ang mga karapat-dapat, ang tamang proseso ay padaanin ang pagbibigay ng mga pautang sa tourism industry sa GFIs tulad ng Landbank at Development Bank of the Philippines (DBP). Ang mga bangko ang mas nakakaalam kung sino ba ang dapat tulungan, magkano ang dapat ipautang, at paano ito mababayaran. Walang kakayahan ang DOT na gawin ito dahil hindi nila trabaho ang magpautang. Mismo!



Kaya nakakapagtaka kung bakit ba tila atat na atat si Puyat na makuha ng DOT ang P9.5 billion, kasama na ang natitirang P500 million para raw sa “support programs” sa tourism industry.

Nakakapagtaka rin kung bakit ba bigla nalang sumang-ayon si Puyat sa linya ni Clemente na hindi raw kailangan ng tourism industry ngayon ang imprastraktura gayong noon lang Marso ay pinagmamalaki ni Puyat na may P14 billion ang TIEZA para sa infrastructure projects na siyang makatutulong para maiahon ang sektor ng turismo mula sa krisis ng COVID-19.

Nakalimutan na yata ni Puyat na kaya naglunsad ng “Build, Build, Build” infrastructure program ang Pangulong Rody Duterte at pinagpatuloy parin ito kahit sa gitna ng pandemya ay dahil ang imprastraktura ang makakalikha ng maraming trabaho para sa displaced workers. Kasama na riyan ang mga nawalan ng trabaho sa tourism industry. Mismo!

Ano kaya ang nakapagpakumbinsi kay Puyat na bumaligtad? Napag-aralan ba niyang mabuti ang Tourism Response and Recovery Program (TRRP) habang nagpapa-pictorial siya o nagpo-post sa Facebook ng mga magagarang damit niya?

Peryahan con jueteng ni Tony Ong

WALA pa ngang operasyon ang PCSO ay meron nang Peryahan ng Bayan si “Tony” Ong sa Pangasinan, ang lalawigan ni Gov. Espino.

Sa Peryahan nagtatago ang jueteng ni Tony Ong. Paano kaya siya nakapag-o-operate eh ipinagbabawal pa ng gobyero ang lahat ng uri ng sugal dahil sa pandemya? Magkano, General?