Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 159 namatay, 885 gumaling, 4,351 bagong kaso

0 245

Advertisers

UMAKYAT na sa 157,918 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 4,351 mga bagong kaso ng virus infection.
Sa bilang na ito ay 3,235 ang fresh cases habang 1,116 ang late cases.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 2,460 new cases.
Sinundan ng Laguna na may 232 new cases, Cavite na may 211 new cases, Cebu na may 187 new cases, at Rizal na may 184 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 885 na bagong gumaling mula sa covid-19.
Dahil dito aabot na ngayon sa 72,209 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 159 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 57 ay ngayong Agosto, 61 noong Hulyo, 37 noong Hunyo, 3 noong Mayo at 1 noong Abril.
Sa ngayon, umakyat na sa 2,600 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 93 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)