Advertisers

Advertisers

Morales handa sa lifestyle check

0 291

Advertisers

Handa umano si Philippine Health Insurance Corp.(PhilHealth) President and CEO Ricardo Morales na isailalim sa lifestyle check para mapatunayang inosente ito sa mga patutsada sa kanya. Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, handa si Morales na isailalim sa lifestyle check ngunit hindi pa ito pumipirma ng waiver para mabuksan ng Anti-Money Laundering (AMLC) ang kanyang mga bank accounts. Kinumpirma ni Domingo na kabilang siya sa majority member ng Executive Committee ng PhilHealth na lumagda ng waiver.

Matatandaan na sa isinagawang pagdinig ng Kamara sa umano’y anomalya sa state health insurer, sinabi nina Jovita Aragona, Israel Pargas, Renato Limsiaco Jr., at Nerissa Santiago na payag silang pumirma sa waiver para maimbestigahan ng AMLC ang kanilang bank transactions. Iniimbestigahan ngayon ang PhilHealth dahil sa umano’y pagbili ng Information Technology na nagkakahalaga ng P2 bilyon. (Josephine Patricio)