Advertisers

Advertisers

P6.8M shabu, nakumpiska sa food delivery rider

0 304

Advertisers

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang food delivery rider nang masamsam ang P6.8M halaga ng droga sa isinagawang operasyon ng mga sakop ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 7 (PDEA-7) at Abellana Police station sa Brgy. Sambag 1 sa lungsod ng Cebu.
Kinilala ang suspek na si Baltazar Eranes Jr., 40 at residente ng Brgy. Ermita sa naturang lungsod.
Sa ulat, nakumpiska mula kay Eranes ang isang vacuum-sealed transparent plastic na naglalaman ng humigit-kumulang 1,000 gramo ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P6.8 million.
Samantala, inihayag naman ni PDEA-7 Director Levi Ortiz na posible umanong malaking grupo ang nasa likod nito base sa pagkakabalot sa nasabing droga.(PTF team)