Advertisers
HULI ang 2 lalaki matapos umanong patayin at sunugin ang kapwa Chinese sa Angeles City nitong Huwebes.
Kinilala ang mga suspek na sina Zhiejie Huang, 23, at Lulin Yang, 32.
Natagpuan ang sunog na katawan ni Feng Li Fu, 30, sa isang sinunog na SUV sa Barangay Sapangbato.
Sa report, nakita sa CCTV ng katabing resort ang mga suspek na paalis sa crime scene.
Ayon sa ulat, natunton ng mga otoridad sa kaniyang bahay si Huang kung saan may mga nakitang bakas ng dugo sa lugar at inamin nitong pinatay nila ang biktima.
Sinaksak umano ni Yang ang biktima at binaril ni Huang sa ulo si Fu.
Sa ulat, dinala ng mga salarin ang bangkay sa maliblib na lugar sa Barangay Sapangbato gamit ang SUV at saka sinilaban ang sasakyan.
Sa follow-up operation, inaresto si Yang sa isang mall sa Laguna.
Inihahanda na ang kasong Robbery with Homicide at Arson sa mga suspek.(Ace Ramales)