Advertisers

Advertisers

Kasambahay nagbigti, nakunan ng video ng 6-anyos na alaga

0 466

Advertisers

Nagawang kunan ng video sa cellphone ng isang musmos na lalaki ang ginawang pagbibigti ng kanyang yaya, gamit ang pinagbuhol-buhol na kumot, saka ipinadala sa ama sa Quezon City nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Genalyn Tintero, 27, kasambahay sa Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.
Sa ulat, 2:42 ng hapon nang matagpuan ang nakabigting katawan ni Tintero sa kusina sa tahanan na pinagtatrabahuhan nito.
Ayon sa report, kinunan ng video sa cellphone ng anim na taong lalaki ang nakabigting katawan ng kanyang yaya at ipinadala sa kaniyang ama na nagtatrabaho sa Paranaque.
Dahil dito, agad na tinawagan ng ama ng bata ang kaniyang kapitbahay upang ipa-check ang ipinadalang video ng kaniyang anak.
Bumungad sa kapitbahay ang nakabigting katawan ng kasambahay saka ipinagbigay alam sa barangay.
Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya kung ano ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.(Boy Celario)