Advertisers

Advertisers

LJ dinenay na pinipigilang magbalik-showbiz ni Paolo

0 337

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING followers si Julie Anne San Jose ang kinilig sa bagong ka-loveteam ng kanilang idolo na si David Licauco, sa romcom serye na ‘Heartful Cafe”.

Maraming eksena na magkasama sina David at Julie Anne na kilig ang mga fans. Sabi nga may chemistry ang tambalan ng dalawa. Mayroon din eksena na nilalabas ang kamachuhan ni David. Ang labis na nagpakilig sa mga followers ay reaksyon ni Julie Anne sa eksenang nakahubad si David at walang suot na pang-itaas. Kaya tuloy, may nagsasabing pwede na rin umanong isabak sa mga sexy scenes si Julie dahil keri naman daw ito ng singer actress. Natural ang kanyang akting sa nasabing sexy scene nila ni David.



“It’s not my first time to see a shirtless guy pero dito, dahil magkaeksena kami, siempre, nahihiya ako noong una.  Kasi makikita ko ang katawan niya up close. Nakakailang, to be very honest about it. But David is very professional about it naman, so I felt comfortable with him after a while,” ani Julie Anne.

Dagdag pa ni Julie Anne, nasanay na rin naman daw siyang makita ang kamachuhan ni David, dahil nasa lock-in taping sila ay nakikita raw niya ang hunk actor na nag-e-exercise at nagwo-work out. Daily routine na rin naman kasi ni David ang magwork-out every morning to stay fit and sexy. Bukod dito ay sinabi rin ni Julie Anne na naging malaking factor sa kanya ang friendship nila ni David  kaya hindi na siya nailang nang kunan ang sexy scenes nila ni David.

***

ILANG taon na rin naman na ‘nawala’ sa limelight ang magaling na sexy actress na si LJ Reyes, simula nang magbuntis at manganak siya sa unang baby nila ng partner na si Paolo Contis. Choice rin ni LJ na pansamantalang tumigil na muna sa pagtanggap ng mga showbiz commitments para matutukan nang husto ang mga anak lalo na ang ang baby nila ni Paolo, as in hands-on mommy si LJ.

Ngayon na medyo pwede na rin naman na maiwan panandali ang mga anak, balik-showbiz na rin kaya si LJ? Bukod kasi sa personal choice ni LJ na mag-lie low ay pinipigilan daw siya ng partner na si Paolo na mag-artista ulit?



Pero madiin naman itong pinabulaanan ni LJ sa pagsasabing hindi naman daw siya pinipigilan ni Paolo na mag-artisa pero dapat hindi niya mapapabayaan ang mga anak.

Good provider naman daw si Paolo at masipag na partner. Si Paolo pa nga raw ang bumibili ng mga kinakailangan nila sa bahay tulad ng groceries kahit galing pa ito sa trabaho.

“Ngayon sobrang na-appreciate ko na mayroon akong katuwang. Talagang shinield niya kami para walang magkasakit,” saad ni LJ.