Advertisers
IPINAHAYAG ni Manila Mayor Isko Moreno na bukas nang muli at tumatanggap na ng mga pasyente ang Ospital ng Maynila (OM).
Ayon kay Moreno, sa pagbubukas ng OM ay mayroon rin silang mga ipinatupad na iba pang pagbabago sa kanilang operasyon.
Nabatid na mayroon itong 82-bed capacity para sa COVID-19 cases.
Ni-redesigned din ang kanilang isolation area para makapag-accommodate pa ng mas maraming residente na naaapektuhan ng nakamamatay na virus.
Matatandaang mula Hulyo 31 hanggang Agosto 9 ay isinara ang OM matapos na magkaroon ng hawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pagitan mismo ng mga doktor nito.
Layunin ng pansamantalang pagsasara ng OM na mabigyan ng breather ang mga medical personnel ng pagamutan at makapagpokus naman pansamantala sa kanilang sariling kalusugan at kaligtasan.
Isinailalim rin ang pagamutan sa sanitasyon at disinfection sa loob ng 10-araw na pagsasara nito. (ANDI GARCIA)