Advertisers
Nanawagan ang Hatid Tulong Program sa mga locally stranded individuals (LSIs) na maghintay muna ng abiso bago magtungo sa Rizal Memorial Sports Complex upang hindi dumagsa ang mga tao at maiwasan ang pagsisiksikan at mapanatili ang health protocol sa lugar.
Ayon kay Hatid Tulong Program lead convenor at Presidential Management Staff (PMS) Assistant Sec. Joseph Encabo, hindi pa mapauwi ang nasabing mga LSIs dahil sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Pakiusap ni Encabo sa mga LSIs, maghintay lamang at kapag lumuwag na ang travel restrictions, magpapatuapd sila ng packet send off o cluster send offs upang sa gayun maging maayos ang pagpapauwi sa mga LSIs at mahigpit na maipatupad ang health safety protocols.
Sa nagyon ayon kay Encabo, nasa 600 pang mga LSIs ang nanatili sa mga temporary shelter kung saan ang iba nasa Rizal complex. (Jocelyn Domenden)