Advertisers

Advertisers

Out of school youth, kulong sa boga

0 265

Advertisers

Kulong ang isang menor de edad matapos makialam sa isang away at panakot sa pamamagitan ng kanyang sukbit na baril sa Port Area, Maynila.
Ang suspek ay isang Out of School Youth at residente ng Block 9 Extension, Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Sa ulat, base sa pahayag ng complainant na si Alijon Pua, 36, may-asawa, tricycle driver, ng 28 Block 20 Old site, Baseco Compound, ipaparada na niya ang kanyang tricycle sa garahe nang harangan siya ng isang motorsiklo na minamaneho ng kanyang kapitbahay na nakilala sa pangalang John Paul.
Ayon sa report, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa dahilan para magpasaklolo naman ang mga kapitbahay sa barangay at Baseco PCP.
sa puntong magkakasundo na ang dalawa, dumating naman ang suspek na umano’y kamag-anak ni John Paul at nakialam sa pag-usap kung saan pinagmumura si Pua.
Hindi naman natinag Pua at nilapitan ang suspek nang mapansin na may nakasukbit na baril sa beywang kaya agad nitong hinawakan ang dalawang kamay ng suspek na tinulungan naman ng iba pang bystanders sa lugar upang maaresto.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Regulation Act at Grave Threat ang suspek sa Manila Prosecutors Office para sa Inquest proceedings.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)