Advertisers

Advertisers

Contact tracing, mas paigtingin – Duque

0 268

Advertisers

Iminungkahi ni DOH Sec.Francisco Duque, sa lokal task force ng lalawigan na mas paigtingin pa ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga tinamaan ng Covid-9.
Matapos makita sa video presentation na isinagawa ni Dr. Joy Esguerra, ng local IATF.
Kailangan mahigpit na ipatupad ang Oplan Kalinga, at para sa dagdag na isolation dapat gamitin ang mga eskwelahan na hindi gagamitin dapat lamang makipag-usap sa DepEd, para ito sa level 2 at level 3 isolation facilities.
Aniya, mababa umano ang bed capacity ng mga ospital, kaya hinikayat nito ang mga pribadong pagamutan na maglaan ng 30% bed capacity para sa mga Covid patients.
Habang ang mga pampublikong ospital dapat 30-50% ng bed capacity ang ilaan para sa mga pasyente ng Covid-19.
Kasabay nito tiniyak ng kalihim na walang dapat ipag-alala ang probinsya ng Bulacan dahil muli silang magbibigay ng test kits.
Samantala, hinimok naman ni Task Force Chief Sec. Carlito Galvez si Bulacan Gov. Daniel Fernando na paigtingin pa ang Bayanihan ng mga Barangays at LGUs upang mapabilis na mapababa ang kaso ng Covid-19.
Kung saan pinuri ni Sec.Galvez ang pagbabawal ng Home Quarantine, na sanhi ng pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng virus.
Kasabay nito, ipinag-utos naman ni DTI Sec. Ramon Lopez, sa mga kumpanya na dapat siIang maglagay ng isang Isolation room facilities sa kada 200 mangagawa.
Ang hindi susunod sa kautusan, posibleng ipasara ang kumpanya pansamantala.
Aniya, gradual din ang pagbubukas ng mga kumpanya sa panahon ng MECQ, upang maiwasan ang hawahan ng naturang sakit.
Kasabay nito magpapamigay naman ng nasa 20M washable facemask ang DSWD, layon nitong mabawasan ng gastos ng mga poorest of the poor.
Ipinagmalaki rin ni Sec Bautista, na umabot na sa 12.4 milyon ang mga benepisyaryo ng Social Amilioration Program (SAP) sa buong bansa. (Thony D. Arcenal)