Advertisers

Advertisers

Michael V nangamba na nahawaan ng Covid ang anak

0 377

Advertisers

MATAPOS ang ilang linggong pakikipaglaban sa COVID-19, masayang ibinalita ni Kapuso comedian Michael V. na naka-recover na siya sa sakit.

“Sa ngayon tapos na ‘yung quarantine ko and masasabi ko okay na, naka-recover na,” kuwento ni Bitoy sa kanyang “Bitoy Story” vlog.

Sa kabila ng good news na ito, muling nabahala ang kanyang pamilya matapos madiskubre na isa sa mga anak niya ang nakaranas ng ilang sintomas ng virus tulad ng fever at diarrhea.



“Unfortunately, bago natapos ‘yung quarantine ko, ‘yung isa kong anak naman ang nagka-fever at nagka-diarrhea na kung hindi alam nung iba sa inyo ay dalawang symptoms ‘yun ng COVID,” say ng Bubble Gang actor.

“Magkasama sila sa iisang kuwarto, pero ‘yung kapatid niya walang symptoms. Kaya, siyempre, hindi na naman namin malaman kung paano niya nakuha ‘yun. Awa ng Diyos after three days ay nawala na ‘yung symptoms niya, sana stomach flu lang ‘yung na-experience niya, pero para safe nag-isolate siya at nagpa-test.”

Buti na lang at negatibo sa COVID-19 ang resulta ng test ng anak.

Pinasalamatan din ni Bitoy ang medical frontliners, na itinuturing niyang heroes, sa pamamagitan ng paglikha ng isang fan art na ipinakita niya sa parehong vlog na may title na “FAN ART.”

***



“WALANG Iwanan: The Layug Family Story.”

Ito ang bagong episode na mapapanood ng Kapuso viewers sa Magpakailanman ngayong Sabado, August 15.

Napapanahong kuwento ito ng Layug family, mga Pinoy sa Amerika na na-infect ng COVID-19.

Tampok dito sina Nonie at Shamaine Buencamino bilang Rainier at Remy Layug, at si Rita Daniela bilang Lea. Ayon sa #MPK, isa ito sa mga paraan para magbigay-pugay sa mga medical frontliner.

Paano nga kaya mapagtatagumpayan ng pamilya Layug ang pagsubok na ito?

Pahayag ni Rita…

“Sa kabila ng pagiging positive rin niya sa COVID-19 at ng buong pamilya niya, naipakita niya kung paano siya naging huwarang anak para maalagaan ang mga magulang at mga kapatid niya. Isa po itong makabuluhan, totoo, at inspiring na kuwento.”

Sa direksyon ni Zig Dulay, alamin ang buong kuwento ngayong Sabado, 8pm, sa Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

***

PANG-international scene talaga ang pelikulang pinagbidahan ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez na “Babae at Baril” na ipinalabas noong 2019.

Ngayong taon, napili ang psycho-thriller film para sa opening ng New York Asian Film Festival na magsisimula sa August 28 hanggang September 12.

Ang tema ng line-up ngayong taon ay women filmmakers at Korean movies.

Inanunsyo ni Janine ang masayang balita sa kanyang Instagram.

Lahad niya, “So excited and soo fffffing wish we could actually go to NY for the North American premiere at the NYAFF but, nonetheless congrats to the team! Babae at Baril is available in the Philippines on Cignal Play streaming. I hope you get to see it. So proud to be part of this female-led team.”

Sa “Babae at Baril,” ginampanan ni Janine ang karakter ng isang sales lady na galing sa probinsiya. Magkakaroon ng pagbabago sa kanyang buhay matapos makapulot ng baril.

Matatandaang pinarangalan din si Janine bilang Best Actress sa 2019 QCinema Film Festival para sa kanyang natatanging pagganap sa pelikula. (Rommel Gonzales)