Gerald tumanda nang makarelasyon si Julia; Jake 5 years na walang dyowa, kinarir ang pagiging erpat ni Ellie
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MARAMI ang nakapansin na tila kakaiba ang aura ng peg ng face ni Gerald Anderson ngayon.
Yung iba kapag nakipagrelasyon sa mas younger sa kanila ay nagmumukha rin daw bata.
Pero si Gerald daw, mula nang maging dyowa si Julia Barretto ay tila nag-mature ang face.
Kaya sabi ng netizens na baka nakukunsumi na umano si Gerald sa mga bira ng bashers na masyado nitong dinidibdib.
Kita naman sa mga post pics nila sa socmed sa kanilang body language na happy sila na magkasama ni Julia.
Kaya payo ng netizens na dedmahin na raw ni Gerald ang mga bira ng bashers sa kanya.
Dagdag pa na older siya kay Julia kaya pag masyado raw sineryoso nito ang mga banat eh magmumukha na siyang kuya ni Julia.
Kailangan daw na papalicious at yummylicious ang peg nito na may dahilan ang mga kababaihan kung bakit siya pinag-aawayan, di ba?
Huwag na nga raw paabutin pa ni Gerald na maging mukhang tiyuhin o tatay kapag kinunsumi ang sarili sa pag-intindi ng bashers.
***
WALA namang regrets si Jake Ejercito kung sa mahigit 5 years ay wala itong naging dyowa.
Tila nalibang ito sa kanyang pagiging tatay sa anak na si Ellie.
Gusto naman daw kasi ni Jake na every single day eh maka-bonding ang anak at sulit ang pag i-spend nito ng time sa anak.
At wala nanan itong pagsisisi sakaling sa limang taon na lumipas ay wala itong nakarelasyon.
Naging masaya naman daw ang anak ng dating Pangulong Erap na nakikita at nakakasama si Ellie.
Ang bilis nga raw ng panahon at mag-10 na si Ellie at di naman titigil si Jake sa pagsuporta sa anak dahil tungkulin niya ito bilang ama.
Ngayon nga na nag-showbiz na rin si Jake eh baka mabawasan na ang time nito sa pagiging pudra kay Ellie dahil busy na ito sa kanyang karera.
Ayon sa netizens, ang tagal naman daw napagdesisyunan ni Jake na mag-artista dahil tinapos kasi nito ang kanyang studies.
Hindi naman nakapagtataka na mag-showbiz si Jake dahil both parents niya eh artista rin.
Well, well, well…’Yun na!