Advertisers

Advertisers

DOH nagbabala vs ‘hoarders’ ng FDA-approved Chinese drug

0 257

Advertisers

MULING nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi maaaring bilhin ng basta ang kaka-apruba lang na Chinese traditional medicine na Linhua Qingwen.
Pahayag ito ng ahensya para maiwasan ang agad na pagbili ng publiko sa gamot, na aprubado sa China bilang treatment drug sa COVID-19 mild cases.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, isang uri ng prescription drug ang Linhua Qingwen. Ibig sabihin, kailangan may reseta mula sa lisensyadong doktor ang gagamit nito.
Ipinaliwanag din ng opisyal na walang set price ang gamot.
“Hindi siya pwedeng bilhin outside of the pharmacies. Marami akong nakikita ngayon sa online, sana yung mga kababayan natin sa botika sila bumili and as prescribed by their doctors.”
“Huwag nila basta iniinom, dapat nila kung paano ito gagamitin.”
Nagbabala si Usec. Vergeire laban sa mga hoarders o bumibili ng maramihang stock ng gamot para ibenta sa publiko.
Kaakibat daw nito ang karampatang parusa piyansa. Bukod dito, may hiwalay ding batas na nagbabawal sa illegal acts of manipulation.
“Mayroon tayong polisiya tungkol diyan. This is Prohibition of Hoarding of Drugs and Medicines, Profiteering, Illegal Combination, Formation of Partels and all other acts committed in restraint of aid in COVID-19 response.”
Nitong Miyerkules nang kumpirmahin ni Food and Drug Administration director general Eric Domingo ang pagbibigay nila ng Certificate of Product Registration sa nasabing gamot.
Pero ang nakasaad sa naturang dokumento, ay maaari lang itong gamitin dito sa Pilipinas bilang gamot sa ibang uri ng sakit at hindi sa COVID-19. (Andi Garcia)