Advertisers
Nilagdaan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng mga Barangay Officials na kakasuhan sa Office of the Ombudsman dahil sa anomalya sa Social Amelioration Program (SAP) at kapabayaan sa pagpapatupad ng quarantine protocols.
Sa kanyang Facebook Live, ipinakita ni Usec. For Barangay Affairs Martin Diño ang kanyang paglagda sa mga dokumento na isusumite sa Ombudsman upang hilingin na din ang preventive suspension ng mga kakasuhang opisyal.
Ito na ang second batch na kinasuhan ng DILG dahil sa mga tiwali at pabayang opisyal ng barangay.
Samantala, pinayuhan din ni Diño ang publiko na maaring dumirektang magsampa ng reklamo sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) o kaya naman ay sa regional offices ng DILG.
Partikular na tinukoy ni Diño ang sabwatan ng mga opisyal sa pamamahagi ng SAP, at ang kabiguan ng mga barangay na hulihin at sitahin ang mga hindi nagsusuot ng face masks at hindi sumusunod sa social distancing. (Jonah Mallari)